35. Asmodeus VS Azrael

2.1K 106 5
                                    

        "Asmodeus VS Azrael"

Si Blade ang nakatokang magklase ng subject na Values sa mga fourth year student ng hapong iyon...

"Good afternoon, class!!..." masigla niyang bati.

"GOOD AFTERNOON, SIR BLADE!!!..."

"Ehem! Ehem! Wala si Mrs. Solano kaya ako na muna ang isinalpak ni Madam Jollibee para magturo sa inyo ng Values..." umpisa niya.

"YEHEEEY!!!!!...." sigaw ng lahat.

Napangiti si Blade sa naging reaksyon ng mga bata.

"Dahil Values naman itong subject natin at natapat pa sa nakakaantok na oras... Naisipan ko na magkakaroon tayo ng debate. Ang mga nakaupo dito sa kanan ay ang group A at sa B naman ang mga nakaupo dito sa kaliwa..."

Matamang nakikinig ang mga bata sa kanya kaya naman ipinagpatuloy lang niya ang pagsasalita.

"Bueno, ito ang topic... Alin sa dalawa ang totoong bastos? Iyong A. Nakahubad o B. Nakatingin? Sa A Ang nakahubad at sa B iyong nakatingin. Bawat grupo ay magbibigay ng opinyon at ang mga comment na iyon ay puntos. Ito ang magsisilbi niyong quiz ngayong araw. Okay, umpisa na!"

Nagtaas ng kamay ang isang estudiyante sa group A.

"Yes, Jake?"

"Sir, siyempre bastos iyong nakahubad kasi nga may kasabihan na kapag nakahubad eh bastos, di ba?"

Napaisip si Blade sa sinabi ng estudiyante, tapos bigla niyang naalala noong mahubaran siya dahil hinahabol siya ng maraming goons. Natawa siya ng mahina ng maalala niya ang bagay na iyon. Bastos nga ba siya?

"Sir, kontra ako diyan!" wika naman ng nasa group B.

"Oh, sige... Bakit ka kontra Trixie?"

"Para sa akin, ang bastos ay iyong tumitingin. Kasi di ba, alam na ngang hubad bakit pa titingnan?!"

"One point sa group B!" announcement ni Blade.

Nagkaroon ng maraming violent reaction ang group A.

"Sir, mas bastos ang nakahubad! Kasi wala namang titingnan kung walang makikita!" wika ulit ni Jake.

Natawa si Blade sa sinabi ng bata.

"Good! One point din sa group A!" wika niya.

Nagsulat siya ng guhit sa blackboard kung saan siya naglalagay ng score ng bawat grupo.

"Sir, gusto kasi ng mga mata na may nakikita! Kaya bastos ang tumitingin!" group B...

"Sir!!... Gusto magpakita ng nakahubad kaya siya ang mas bastos!" group A...

Tawa ng tawa si Blade mga comment ng mga bata. At least, nakakabuhay ng dugo ang naisip niyang topic at hindi nakakaantok. Alas-dos pa naman ng hapon.

"SIR!!!!!..." malakas na tawag ng isang estudiyante sa group B.

"Oh, Freddie?!"

"Sir, p-patalastas lang... Isang tanong lang..." napalunok na wika ng estudiyante.

"Oh sige, ano?"

"B-Bumubukol po ba ang utot?"

"Ha?!" react ni Blade.

Pero nang makabawi siya sa pagkabigla ay sinagot din naman niya ang katanungan ng bata.

"No! Definitely, not! Hindi bubukol ang utot kasi hangin lang iyon. Remember class, hindi bubukol ang utot kasi gas lang siya na normal na inilalabas ng ating katawan. It's carbon dioxide!"

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon