"Hydrian X Sebatian"
Napahikab si Blade at saka nag-inat. Ang daling natapos ng bakasyon... Heto at pasukan na naman. Isinara niya ang notebook niya kung saan ginagawa ang kanyang lesson plan. Napatingin siya sa paligid at nakita niyang busy sa paglilinis ng classroom ang mga estudiyante niya. Tumayo na siya at lumapit sa isang estudiyante niya na busy sa pagwawalis.
"Francis, i-lock mo itong classroom bago kayo umuwi. Huwag na kayong maglakwatsa ah?" sabay-abot ng susi.
"Okay, Sir! Ako na ang bahala."
"Sige, ingat! Bye!"
Tumalikod na siya at naglakad paalis. Nagulat siya at bahagyang napaatras ng makita niya si Rane na nasa bungad ng classroom.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka naman isa sa mga cleaners ngayon ah?"
Ngumiti si Rane kay Blade.
"Ang ulyanin mo naman, Sir Blade. Di ba usapan natin na sasamahan natin si Daisy na bumili ng tinapay doon sa kabilang baranggay? Nandoon na nga siya sa labas ng gate eh, kasama sina Kuya Hunter at Drake. Ipinatawag ka nila sa akin kasi ang tagal mong lumabas."
Napakamot sa kanyang ulo si Blade.
"Oo nga pala, nawala sa isip ko. Tinapos ko pa kasi iyong lesson plan ko para bukas eh. But anyway, tara na nga!"
Magkasabay silang naglakad palabas ng school at nadatnan nila iyong tatlo na nag-uusap.
"Kung ganoon, si Alexa ang nagpapabili ng tinapay?" amaze na tanong ni Hunter.
"Oo, nagpapahanap siya sa akin ng masarap na ensaymada. Inirekomenda ng kaklase ko iyong bakery na nagdedeliver sa kanilang tindahan. Masasarap daw ang mga tindang tinapay doon. Naubusan nga sila ng ensaymada eh, kaya heto... Tinext ko kayo. Okay lang ba? Medyo malayo iyon pero pagmemeryendahin ko na lang kayo. Malaki naman iyong perang ibinigay sa akin ni ate Alexa eh."
"Naks naman! Kung ganyan ang usapan, okay na okay!" singit ni Blade.
Napaismid si Hunter.
"Ayan oh, nanlaki na naman ang tenga ng isa diyan nang marinig niya ang salitang meryenda..."
"Grasya eh.." nakangiting wika pa ni Blade.
"Tara na!" yaya na lang ni Drake.
Nagsimula na silang naglakad at habang nasa daan ay nagkukuwentuhan sila.
"Kamusta naman si Sebastian?" pasimpleng tanong ni Blade.
"Okay lang. Pinagtiyatiyagaan si ate Alexa." natatawang wika ni Daisy.
"Pinagtiyatiyagaan, mukha namang okay ang dalawang iyon." pakli ni Hunter.
Huminga ng malalim si Daisy.
"Ewan. Lately kasi, biglang naging moody si ate Alexa. Kung minsan masungit, minsan mabait... Tapos, kung ano-ano ang ipinapabiling pagkain sa amin ni Kuya Sebastian. Para nga siyang buntis eh." natigilan si Daisy sa huling sinabi niya.
Napatingin siya kay Rane na katabi niyang naglalakad.
"Buntis..?" bulalas na lang din ni Rane.
Nagkatinginan silang lahat at mukhang iisa ang tinatakbo ng isip nila.
"Hindi kaya..." hindi maituloy ni Drake ang gusto niyang sabihin dahil nag-aalangan siya.
Napahawak naman sa kanyang baba si Hunter at saka tumingin kay Daisy.
![](https://img.wattpad.com/cover/21675759-288-k12802.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasyThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...