"Leviathan VS Blade"
"Ageeeh! Dahan-dahan naman! Masakit eh! Anak na lase!" atungal ni Blade.
Yamot na napatingin si Drake sa likod ng kanyang bestfriend.
"Abuwisit ak pa! Ikaw na nga itong ginagamot ang mga sugat sa likod, ang dami mo pang ngatel na lase! Ump!" sabay diin ng ointment.
"AGEEEEH!!!... BAON-INAM!!!..."
Inis na hinarap ni Blade si Drake at inundayan ng suntok pero mabilis na nakalayo sa kanya ang damuho. Nagpeace sign ito sabay sabing...
"Peace be with you, Blade! Ha ha ha!"
"Animal!"
Dahil sa nangyaring gulo na kinasangkutan ni Karen ay hindi natuloy ang kanilang lakad. Bukas na lang nila naisipang ituloy iyon at silang mga lalaki lang ang magba-bonding. Tinawagan din nila si Creta para sumama. Napapangiti na lang si Azrael habang napapasulyap sa dalawa habang nagbabasa siya ng magazine. Nagsusuntukan na ang mga ito. Lumabas si Hunter na bagong ligo.
"Hoooy!!... Itigil niyo na nga iyan! Hindi pa ba kayo nagsasawa sa mga pinagdaanan natin kanina?!" awat nito.
Nagturuan ang dalawa.
"ETO KASI EH!!!..." sabay pa nilang wika.
"Tsk!" tanging react nalang ni Hunter.
Tinalikuran na niya ang mga ito pero atleast, tumigil na rin sila sa kanilang kaguluhan. Muling naupo ang dalawa ng magkalayo at nag-asaran sa tingin.
Samantala... Mariing pinalagutok ni Leviathan ang kanyang mga kamao at matamang tumingin sa kanya si Beelzebub.
"Hmm... Ano naman ang nagtulak sa'yo na magpunta dito sa mundo ng mga tao?"
Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Leviathan at nang-aasar na tumingin kay Beelzebub.
"Tinitingnan ko lang naman kung kamusta na ang inihahanda mong chaos. Malapit nang lumabas ang iyong army... Kaya lang, wala yata silang commander?"
Naiinis na ikinuyom ni Beelzebub ang kanyang kamao at saka walang pasintabing binigwasan ng suntok sa mukha si Leviathan. Nasapo nito ang mukha at natatawang tumingin pa sa kanya. Pinunasan nito ang dugo sa gilid ng labi.
"Ha ha ha! Masyado kang pikon. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nahahanap ang Hydrian na iyon?"
Galit na tumingin si Beelzebub.
"Alam kong hindi lalayo ang tarantadong iyon. Makikita ko din siya at humanda siya sa akin sa oras na magkatagpo ang aming mga landas. How dare him 3x a day! He will see what is the meaning of hell!"
Pasimpleng napasuklay sa kanyang buhok si Leviathan.
"Oh well, good luck!"
Napahalukipkip si Beelzebub at matamang tumingin sa kausap niya. Huminga siya ng malalim. Walang mangyayari kung magpapadala siya sa mga pang-aasar nito.
"Iyon lang ba talaga ang dahilan kaya ka dito nagpunta? Hindi biro ang ginagamit nating lakas kapag nandito tayo sa mundo ng mga tao. Ako nga, tinitipid kong maigi ang aking kapangyarihan. Umiiwas ako sa anumang laban. Si Hydrian lang naman ang pakay ko. Ikaw? Sino ang pakay mo dito? Kilala kita, Leviathan. Hindi ka pupunta dito sa mababaw na rason."
Tumawa ng mahina si Leviathan.
"Wala lang. Gusto ko lang bisitahin ang isang dating kaibigan." makahulugan niyang wika.
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasyThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...