27. WITCHES

2.4K 115 9
                                        

                                                                          "Witches"


Napatingin si Blade kay Zech habang tinataniman nito ng mga yellow-roses ang libingan ng kaibigan nitong si Guiseppe Tartini. Bumaling ang atensyon niya sa puntod. Binasa niya ang taong naka-engrave sa lapida. 1767-1791. Nakita niya ang bestfriend niyang si Drake na nagtirik ng kandila dito. Naikuwento na sa kanilang tatlo nila Drake at Zech ang mga nangyari noong nagdaang gabi. Naglabas ng baraha niya si Creta at gamit ang lumang larawan ni Guiseppe na nakuha nila sa bahay nito ay idinikit nito iyon sa baraha. Gumamit ng kapangyarihan si Creta at tila naging isang salamin ang barahang dinikitan nito ng litrato. Pagkatapos noon ay idinikit nito ang picture sa libingan. Solong-picture iyon ng lalaki na nakangiti ng matipid. May ginawa pa ng kaunti si Creta at naghugis oblong na ang tila frame ng larawan. Tapos may lumabas na engrave sa puntod na.. "In the Loving Memory of Guiseppe Tartini-Musician"

Tinulungan nila si Zech na gawan ng libingan ang kaibigan nito sa may hardin ng bahay. Inayos din nila ang buong hardin at maging ang bahay na rin. Natapos na si Zech sa ginagawa. Nagtirik na ito ng kandila at tumayo. Napabuntung-hininga ito ng marahas.

"Salamat sa pagpapatawad. Umasa kang tutulungan kitang makahingi ng tawad sa langit." mahinang wika ni Zech.

Kasama nila si Father Piyo. Binasbasan nito ang bangkay ni Guiseppe kanina. Ngayon naman ay ang libingan nito. Tumingala si Zech para pigilin ang napipintong pagbagsak ng kanyang mga luha. Tinapik ni Blade ang balikat nito.

"Umiyak ka lang. Huwag kang mahiya sa amin. Nandito lang kami para sa'yo. Basta ba huwag ka lang magkakamali. Hindi tayo talo-talo." wika ni Blade.

Biglang nawala ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Zech at bigla siyang napabungisngis.

"Sira!" natawa niyang pakli.

Nagkibit-balikat lang si Blade sa naging reaksyon ng kanyang kaibigan. At least, natawa ito. Sa nakita niya ngayon, napatunayan na talaga niyang nagbago na nga ito ng tuluyan at nagsisi. At deserve nito ang pagkakataong ibinigay niya. Maging si Creta na sobrang mahal ng siningil ni Vaulant at nang iba pa dito. Sisiguruhin niyang makakamit nito ang hustisya para pamilya nito. Huminga siya ng malalim. Siya naman ngayon ang biglang napadrama. Narinig niya ang pagbuntung-hininga ni Zech. Umalis na sina Creta at Father Piyo. Maya-maya pa ay...

"Sige, aalis na kami ni Hunter. Baka ma-late pa kami sa pagpasok sa school. Aba, mahirap para sa akin iyon. Tiyak na magsa-sample na naman akong lase ay!" paalam ni Blade.

"Maraming salamat." maikling wika na lang ni Zech.

Tinapik ni Hunter ang balikat ng kaibigan.

"Walang-anuman. Sige, bye na."

Umalis na ang dalawa at naiwan sina Drake at Zech sa harap ng libingan ni Guiseppe. Dala ni Drake ang kanyang violin. Inilabas niya iyon mula sa lalagyan nito at nagsimula na siyang tumugtog ng musika para sa kaibigan ni Zech. Pagkatapos niyang tumugtog ay umalis na silang dalawa sa lugar.

Samantala, nasa isang misyon si Aleister. Ang hanapin ang mga batang nawawala sa isang liblib na bayan. Naglalakad siya ngayon ng mag-isa sa isang gubat. Sandali siyang napatigil nang makarinig siya ng kakaibang ingay. Isang matining na tawanan at mga sigaw? Mabilis niyang inilabas ang kanyang mga baril at inihanda ang kanyang sarili.

"Sabi na nga ba eh. Mga witches ang may kagagawan nito!" pakli niya.

Umakyat siya sa itaas ng puno at nakita niya ang ilang grupo ng witches na parating sakay ng kanilang mga broomstick. Nagtatawanan ang mga ito at tila nagkakarera. Naagaw ang kanyang atensyon ng makita niyang may bihag na mga batang babae at lalaki ang ilan sa mga ito. Nakatali ang mga bata at may busal ang kanilang mga bibig. Anim ang mga witches. Inihanda niya ang kanyang sarili at pinagbabaril niya ang mga ito. Nagulat ang mga witches sa kanyang ginawa at mabilis na pinahinto ang kanilang mga broomstick sa paglipad. Dalawa ang tinamaan niya at nasunog ang mga iyon sa kanyang bala.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon