"BINGO!"
Napakurap ng maraming beses si Sebastian(Hydrian) nang makita niyang puno ng dugo ang kanyang mga kamay. Kasunod noon ay umagos pa mula doon ang napakaraming dugo. Bigla siyang nakarinig ng tawa, natigilan siya dahil sarili niyang boses iyon. Isang malaking salamin ang biglang lumitaw sa kanyang harapan. Nakita niya ang sarili niyang nakangiti habang may bahid ng dugo ang kanyang mga kamay.
"Masama ka." nakangiti nitong wika.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
"Hindi iyan totoo!" mariin niyang wika.
Isang nakakalokong tawa ang muling kumawala sa kanyang repleksyon. Unti-unting namula ang mga mata niya at tuluyang naging puti ang kulay ng kanyang buhok. Mula sa likuran nito ay lumabas ang maiitim na mga pakpak.
"Masama ka dahil isa kang demon. Marami ka nang pinatay!"
Bumuhos ang napakaraming dugo sa kanya, nabalutan siya. Biglang nagising si Sebastian mula sa kanyang panaginip. Mabilis siyang nagpunta sa harap ng salamin at sinipat ang sarili. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang dati pa rin naman ang itsura niya. Napahawak siya sa buhok niyang kulay-puti at napatingin sa pula niyang mata. Nakadama siya ng pag-aalala.
"Bangungot lang iyon." paalala niya sa kanyang sarili.
Ilang beses siyang huminga para pakalmahin ang kanyang sarili. Napagpasyahan niyang lumabas na muna para magpahangin. Napahinto siya sa paglalakad ng matapat siya sa silid ni Alexa. Lumapit siya doon at dinama ang pinto. Kanina pa siya nito iniiwasan simula nang mangyari ang kanilang kiss. Gustung-gusto niyang kumatok pero nagpigil siya. Nag-aalala lang siya siguro ng sobra kay Alexa kaya siya binangungot. Tumuloy na siya sa paglalakad at nagpunta sa may hardin para magpahangin sandali.
Samantala... Sinapo ni Beelzebub ang kanyang noo. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
"Ininom mo ang dugo ko, Hydrian. Hinding-hindi mo ako kayang takasan. Bibigyan kita ng mga panaginip, sana lang mag-enjoy ka... Nasaan ka man ngayon... How dare you 3x a day!"
Medyo mahina na siya... Ayaw pa sana niyang bumalik sa hell pero malaki na sa kanyang lakas ang nawawala. Humanda talaga ang Hydrian na iyon kapag nahanap niya ito.
Samantala... Tulala si Alexa habang nakatingin siya sa kisame ng kanyang silid. Sinalat niya ang labi niya. Nagkiss sila... Hindi lang iisang beses kundi marami...
"Asar!"
Nagtalukbong siya ng kumot pero agad din naman niya iyong inalis kasi nahirapan siyang huminga. Bumangon siya at naglakad papunta sa mesa na nasa tabi ng bintana. Marahas siyang napabuntung-hininga dahil naubusan na pala ng lamang tubig ang pitsel doon. Matapos ang nakakalokang kiss ay iniwasan na niya si Sebastian. Hindi niya kasi alam kung paano niya ito pakikiharapan. Lumabas siya ng silid at nagpunta sa kusina. Papunta siya sa kinaroroonan ng ref ng biglang may bumunggo sa kanya. Alam na niya kung sino iyon.
"Sorry..." hinging paumanhin niya pero hindi niya ito titingnan.
Akma siyang maglalakad paalis pero biglang hinawakan ng binata ang kanan niyang braso ng mahigpit. Dahil doon ay tuluyan na siyang napatingin dito.
"B-Bakit?"
"Iniiwasan mo ba ako, Alexa?"
Napalunok siya, hindi siya makasagot. Nakita na naman niya ang mga kakaibang spark sa mga mata nito. Huminga siya ng malalim para kumalma siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/21675759-288-k12802.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasiThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...