30. The Island

2.9K 117 9
                                    

                                                                         "The Island"


Kasalukuyang nakaupo si Blade sa sala at busy sa pagbabasa ng diyaryo. Nakaligo na siya at nakapagbihis na. Wala na rin siyang tama. Si Trade naman ay naliligo sa banyo, pinahiram niya ito ng damit na maisusuot at si Hunter, busy sa pagluluto ng pagkain sa kusina. Nanghihina pa kasi si Trade at kailangan pa nitong kumain. Kaya naisipan nilang lahat na mag-midnight snack na lang. Dumating na si Drake. Pagkabukas niya ng pinto ng bahay ay agad siyang pumasok.

"Nandito na ako." mahina niyang wika.

"Hmm... Mabuti naman nandito ka na."

Ibinaba ni Blade ang binabasa niyang libro. Laking-gulat niya ng makita niya ang itsura ni Drake. Puno ito ng dugo sa katawan at nakita niyang may tama ito sa dibdib. Medyo tumutulo pa kasi ang dugo doon. Magulo ang buhok nito at nakatakip ang sala-salabit nitong bangs sa kalahati ng mukha. Agad na tumayo si Blade at naglakad palapit sa kanyang kaibigan.

"Nalase, ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong sa kanyang kaibigan.

Isang mahinang tango ang isinagot ni Drake sa kanya.

"Sigurado ka? May tama ang puso mo ah?!" untag pa ni Blade.

Biglang yumugyog ng mahina ang mga balikat ni Drake. Unti-unting gumuhit sa labi nito ang isang ngiti at tumawa ng mahina.

"T-Tama ka, may tama nga ang puso ko. Matindi!"

"Animal!" gulat na bulalas ni Blade.

Paano naman siya hindi magugulat eh mukhang masayang-masaya pa ang kanyang kaibigan sa kabila ng pinsalang natamo nito?! Napakurap si Blade na napatingin kay Drake at nang makabawi siya sa pagkabigla ay...

"Anak na lase! Anong matindi ang tama ng puso mo ah? Ambagel kang lase, saltek ka! Bakit mukha ka pang masaya?!" windang niyang tanong.

Hinawi ni Drake ang sala-salabit niyang bangs sa mukha.

"Bestfriend! Na-kegtot my heart! May tama ang puso ko!" excited na wika ni Drake.

Napangiwi si Blade at napakamot sa kanyang ulo. Ibang tama naman pala sa puso ang sinasabi ng kanyang kaibigan.

"Abuwisit ak pa!" bulalas na lang niya.

Nilagpasan na ni Drake si Blade at pumanhik na papunta sa kanyang silid. Napakamot na lang sa kanyang batok ang huli. Mukha ngang ayos lang ang kanyang kaibigan. Itinuloy na niya ang pagbabasa ng diyaryo. Dumating si Hunter na may dalang tray na may lamang pagkain. Hot toasted pandesal na may palamang scrambled egg na may mayonaise at melted cheese. Ang partner nito ay isang mainit na chocolate. Iinilapag ni Hunter ang dala sa mesa.

"Si Drake, dumating na ba?" sabay upo sa tabi ni Blade.

"Oo. Ayos naman siya. Ayon nga at man-atugerger ang animal!"

Natawa ng mahina si Hunter sa tinuran ni Blade. Dumating na si Trade na bagong ligo at suot na nito ang mga damit na ipinahiram ni Blade.

"Uy, ano yan?" curious nitong tanong ng makita ang pagkain.

"Pandesal na may palamang scrambled egg na may melted cheese, plus hot chocolate. Inihanda ko iyan para matikman mo ang aming pinoy breakfast style." proud na wika ni Hunter.

"W-Wow... Mukhang masarap. Lalo akong ginutom. Anyway, anong klaseng tinapay ang pandesal?" wika pa ni Trade.

"Salt plus flour equals the tastiest bread in the planet called pandesal." nakangiting paliwanag naman ni Blade.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon