"Blackmail"
"Kamusta si Alexa?" nag-aalalang tanong ni Drake.
Tahimik ang lahat at nakatingin kay Baste. Nakapamulsa ito sa pantalon at napahinga ng malalim.
"She's fine. Maging ang baby na dinadala niya, ayos lang din. Malakas at napaka-healthy ng bata. But she is emotionally distress. Paggising niya, iwasan niyong magsabi ng mga bagay na magpapalungkot sa kanya. Huwag niyo siyang iiwanang mag-isa. She has the fear of being alone. Makakasama iyon sa kanya."
Halos sabay na nakahinga ng maluwag ang lahat dahil sa narinig.
"Salamat naman kung ganoon." di napigilang pakli ni Drake.
Tumingin siya kay Hunter, mukhang pareho sila ng iniisip. Lumapit siya dito.
"Anong gagawin natin kapag nagising na siya? Paano tayo magpapaliwanag? Ano, magsisinungaling tayo sa kanya?"
"Kung iyon ang makakabuti, bakit hindi? Basta ikaw ang bahalang mag-explain." kibit-balikat na wika ni Hunter.
"Abuwisit ak pa! Anong ako?!"
"Sa ating dalawa, ikaw ang expert diyan. Hindi ba't ikaw si Mister Midnight?"
Napailing na lang si Drake at napamulsa sa kanyang pantalon.
"Oo na, ako na!"
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at saka niya tinawagan si Daisy para ipaalam ang nangyari sa pinsan nito.
Samantala... Patuloy sa paghahanap sina Blade, Zech at Creta kay Sebastian(Hydrian) sa may ilog. Umaasa sila na makakakuha sila kahit na isang clue.
"Mukhang matindi ang galit ni Beelzebub kay Hydrian ah? Sheyt na malagkit! Ano kaya ang kailangan ng isang iyon at kinidnap niya si Hydrian?" di napigilang wika ni Creta.
Napaisip silang lahat. Ayon kay Zech ay biglang naglaho sa kawalan ang bakas ng aura nina Beelzebub at Hydrian. Gumamit raw ang isa sa Seven Prince of Hell ng malakas na Black Magic. At hindi na iyon kayang i-trace ni Zech dahil napakataas na ng level na iyon. Naglakad-lakad si Blade sa may pangpang ng ilog at pinulot niya ang isang may katamtamang laki ng bato na natipak dala ng nangyaring gulo sa lugar.
Marahas niya iyong inihagis sa tubig at tumalbog iyon ng tatlong-beses bago tuluyang lumubog. Napangiti siya ng mapait. Alam niyang ginawa ni Hydrian ang lahat para lumaban. Kung may naalala lang sana ito, tiyak na hindi ito basta makukuha ni Beelzebub. Pero wala, mahina ito ngayon dahil sa pagkawala ng memorya nito. Bigla niyang naalala iyong naikuwento ni Hunter sa kanila tungkol doon sa mga demon na nakalaban nito. Mga creation ni Beelzebub at bahagi ang mga demon na iyon ng isang malaking army. Binalingan niya ang mga kasama na busy sa pagsipat sa paligid para maghanap ng clue. Seryoso siyang lumapit sa mga ito.
"Bigla ko lang naalala na lase! Naikuwento sa amin ni Hunter na may nakalaban siyang mga pangit na demon na creation ni Beelzebub. Ang sabi pa niya sa amin, bahagi daw ang mga demon na iyon ng isang malaking army. Isang annihilation plan ang binabalak niya. Hindi kaya may kinalaman iyon sa pagkuha niya kay Hydrian?" desperado niyang tanong.
Napatingin sa kanya ang mga kasama at napatanga ng bahagya. Medyo napahawak sa kanyang baba si Zech at matamang nag-isip... Isang malaking army para sa isang annihilation?! Naalala niya ang itsura ni Hydrian... A mix of demon and angel...
"Animal, sana naman may ideya kayong lase sa nangyayari dahil dati niyong kasamahan ang salot na iyon. Wala naman akong ibig-sabihing masama pero gusto ko lang na makahingi ng clue. Gusto kong tulungang mapabuti si Hydrian na kagaya niyo..." wika pa ni Blade.
![](https://img.wattpad.com/cover/21675759-288-k12802.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasyThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...