31. DARKNESS

2.6K 112 11
                                    

"DARKNESS"

"Kung ganoon, ang batang ito ang prinsesa dito?" maang na tanong ni Creta kay Arthos.

"Tama. Ako si Princess Ana Maria Arabelle Thermopolis Mignonette." pakilala ng princessa.

"Wooh... Wala ka bang nickname?" react pa ni Creta.

"Tawagin niyo na lang akong Mia. Iyon ang palayaw ko." nakangiti nitong wika.

"Wait lang, ten years ago namatay ang tatay mo. Paanong mukha ka lang eight years old?" nagtatakang tanong naman ni Drake sa bata.

Unti-unti ay nagbago ang anyo nito at nagmatured. Naging isa itong magandang dalaga.

"Ang totoo niyan, kaya kong itago ang totoo kong edad. Puwede akong magpabata ng anyo ayon sa gusto ko. Ito ang tunay kong anyo at katauhan. Twenty-four na ako."

Napatanga ang lahat.

"Pinanatili kong bata ang itsura ko kasi natakot ako sa madrasta ko. Totoong bata palang ako ng mangyari ang lahat ng trahedya... Hindi ako makapagsumbong noon. Maging ako, nabulag sa ipinakita niyang kabaitan, nahulog din sa patibong niya. Hindi porket nagpapakita pala ng kabutihan ang isang tao o nilalang, totoong mabuti na siya. Minsan, panlilinlang lang pala iyon. Patawad sa inyo Arthos at sa buo mong hukbo. Kung nagsumbong lang sana ako sa'yo noon, hindi na sana kayo napahamak at umabot pa sa ganito ang lahat..." hinging paumanhin pa ng prinsesa.

Ngumiti si Arthos dito.

"Hindi mo iyon kasalanan. Bata ka pa noon. Sa natatandaan ko ay kaunti lang ang tanda mo sa anak ko at madalas mo siyang kalaro. Lahat naman tayo, nalinlang sa pekeng kabaitan ng reyna."

"So, nagpapatunay lang ang pangyayaring ito na hindi lahat ng mabait eh totoo namang mabait. At least, kahit na brutal ang bunganga ko, totoo ako at hindi plastik. Anak na lase!" hindi nakatiis na comment ni Blade.

Matapos iyon ay nagpakilala na silang lahat sa prinsesa at sa mga mandirigma ng Everia. Ganoon din sa kaibigan ni Lolo Gusting na si Lolo Insyong...

"Teka lang, natatandaan kita Lolo! Ikaw! Ikaw iyong nagmagandang-loob sa akin dati na nagpagamit sa akin ng banyo ng bahay mo... Alam niyo na, iyong na-I can't fight this feeling anymore ako?" excited na wika ni Drake.

Napatingin si Lolo Insyong dito at napangiti.

"Alam ko. Hindi ko makakalimutan ang grupo niyo dahil mukha kayong mga artista. Naaalala ko ang aking kabataan tuwing makikita ko kayo."

Matapos iyon ay biglang pinabata ng matanda ang itsura nito pero agad din naman nitong ibinalik sa normal. Napataas ng kilay si Hunter at nagdududang napatingin kay Lolo Gusting.

"Lolo Gusting, anong ibig-sabihin nito? Kayang-kaya niyo naman palang makawala sa lahat ng ito nitong kaibigan mo, bakit mo pa kami dinamay?!" naiinis niyang wika.

Ngumiti si Lolo Gusting at tumawa ng mahina.

"Ehem! Unang-una, hindi ko alam ang pangyayaring ito sa kaharian ng Everia. Binata pa ako ng huli akong makaapak sa lugar na ito. Pangalawa, totoo na may halamang gamot na kailangan naming kunin dito ni Insyong. Ikatlo, bago kami magpunta dito ay na-curious ako kay Raguel ng mabanggit niya ang salitang Transformation 101. Tinanong ko siya at ipinaliwanag naman niya kung ano iyon. Ha ha ha ha! Mas lalo akong na-curious... Pang-apat, bago kami nagtungo dito ay nag-research na kami tungkol sa bagong patakaran ng kaharian. Medyo nagtaka kami kung bakit mga babae lang ang pinapayagang makapunta dito.... Pero sa bandang huli, sinabi ko na lang kay Raguel na kapag hindi kami agad nakabalik ni Insyong ay ipadala na kayo bilang resbak. Pero siyempre, medyo sinadya ko ang lahat at nakisakay din naman ang mga archangels sa trip ko... He he he wala lang!" mahabang paliwanag ni Lolo Gusting.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon