50. Sad Goodbye

2.1K 112 36
                                        


                                                                      "Sad Goodbye"


Matamang isinandal ni Hydrian ang kanyang katawan sa bench na kanyang kinauupuan. Huminga siya ng malalim... Ilang araw na siyang nagliliwaliw pero hindi siya nakukuntento sa ginagawa niyang pagbubulakbol. Mayroon siyang hinahanap pero hindi niya alam kung ano iyon. Wala naman kasi siyang maalala sa mga nangyari sa kanya nitong nakaraan.

"Buwisit ka Beelzebub! Bakit kailangan mong pakialaman ang mga alaala ko? Walang-hiya ka talagang demonyo ka.." mahina niyang wika.

Tumingala siya sa langit.

"Ano ba ang dapat kong hanapin?"

Wala siyang nakuhang sagot. Napakamot siya ng marahas sa kanyang ulo at saka na siya tumayo. Maglalakad-lakad na lang muna siya.

Samantala... Napahinto sa akmang pagkagat ng forbidden fruit si Beelzebub ng dumating si Asmodeus. Nagtataka siyang napatingin dito dahil isang matipid at nakakalokong ngiti ang namumutawi sa labi nito.

"Oh bakit?" medyo nayamot niyang tanong.

"Wala lang. Gusto ko lang maki-update ng kaunti. Sa katunayan, galing ako sa lungga ni Belphegor para maki-update tungkol sa pasaway niyang anak. At masaya naman... Malakas na kasi siya."

"Wala akong pakialam!" yamot niyang wika at saka na kumagat sa hawak niya.

Napataas ng kilay si Asmodeus.

"Ay! Agko nagugustuan!"

( Ay! Di ko nagugustuhan )

Amaze na napatingin si Beelzebub kay Asmodeus.

"How dare you 3x a day... Hindi mo ako pinuntahan para lang maki-update. Nagpunta ka dito para lang iparinig sa akin iyang bago mong pauso... Ay! Agko nagugustuan!" sabay tawa ng mahina.

Natawa ng mahina si Asmodeus. Naglakad siya palapit kay Beelzebub.

"Tama ka, nandito lang ako para magpauso. Wala naman kasi akong pakialam sa mga plano mo. Gawin mo lang kung ano ang trip mo, hindi ko babasagin. But anyway, hindi pa kita nababati sa iyong pagbabalik dito sa hell. Ang tagal mo din namang nawala..."

Napakunot ang noo ni Beelzebub.

"Batiin? Anong klaseng pagbati?"

Umigkas ang kamay ni Asmodeus at isang napakalakas na sampal sa kaliwang-pisngi ang dumapo sa kanya. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak niyang forbidden fruit. Tuliro siyang napatingin kay Asmodeus at sinalubong siya nito ng isang nakakaloko at matipid na ngiti.

"Pak! Ganern!" ang nang-aasar na wika ni Asmodeus.

"Oh... Agko nagugustuan!" natawang wika ni Beelzebub.

"Si Belphegor ang nagpauso nito. Nakuha daw niya sa mundo ng mga tao. Mainit na pagbati, di ba?"

"Right... Ay! Agko nagugustuan!"

Nagtinginan ang dalawang demon at halos sabay na umigkas ang kamay nila sa isa't-isa... Nagkatitigan ang mga ito at...

"Pak! Ganern!"

Samantala... Napakunot ang noo ni Azrael ng makita niyang papalapit sa kanya ang isang kulay-puting ibon na kasing-laki ng crane pero ang itsura ay nahahawig sa phoenix dahil sa mahaba nitong buntot. Dumapo ito sa kanyang harapan at saka gumawa ng kakaibang tunog. Ang ibon na iyon ay isa sa kanyang tagasundo ng mga taong papanaw.

Sir Blade BOOK 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon