24. The Red Scorpion Gang

2.8K 106 12
                                        

"The Red Scorpion Gang"

Napangiti si Drake ng makita niya ang natapos na sketch. Hindi siya makapaniwala na siya iyon... Inayos niya ang kanyang sarili at napatingin sa kasama niya.

"Ano? Okay na ba?" tanong pa nito sa kanya.

"Okay na okay."

Napangiti si Daisy sa sinabi ni Drake. Tiningnan din niya ang sketch... Parang hindi na niya gustung ibigay sa pinsan niya. Tapos may ideya siyang naisip...

"Teka, i-xerox natin para may kopya ka at may kopya din ako. Ibibigay ko kasi itong original kay ate Alexa. Bayad ito eh."

"Sige, gusto ko iyan."

Pumunta sila sa kinaroroonan ng xerox machine. Ini-on nito iyon at naglagay ng coupon bonds...

"Ahm... Puwede ko bang kunin ang cellphone number mo?" untag ni Drake.

Napatingin si Daisy sa kasama niya at napakunot-noo.

"Bakit?"

Nahihiyang napakamot si Drake sa kanyang ulo at napakagat sa labi. Huminga siya ng malalim.

"Ano... Gusto kong kunin ang number mo para ma-text kita... Para kapag libre ang oras mo, puwede kitang mayayang lumabas... Mga ganoon?"

"Ah, okay. Wait lang."

Nagawa na ang kanilang mga copies at inabot ni Daisy ang isa kay Drake. Pagkatapos noon ay iniabot naman ni Drake ang cellphone niya kay Daisy para ipalagay ang number nito.

"Uy, thank you!!..."

Natawa si Daisy at napailing.

"Ako ang dapat na mag-thank you sa'yo. Kasi nang dahil sa'yo, kumita ako ng pera. Mabibili ko ang gusto ko."

"Walang anuman... Kahit na libre, okay sa akin!"

Biglang nagring ang cellphone ni Drake. Si Hunter ang tumatawag. Agad niyang sinagot ang tawag nito.

"Oh, bakit?"

"Busy ka pa ba?"

"Ah, hindi na. Okay lang, katatapos lang. Bakit ba?"

Natigilan si Hunter at nanlaki ang mga mata niya ng marinig niya ang naging sagot ni Drake. 'Pambihira!!...' bulalas niya sa kanyang isipan.

"A-Anong sinabi mo?! K-Katatapos lang?!!!..." windang na wika ni Hunter.

Napakunot-noo si Drake. Ang OA naman yatang mag-react nitong si Hunter? Narinig niya ang kung anong bulungan ng iba pa niyang kaibigan sa background.

"Bakit ba? Ano bang problema? Ano bang sasabihin mo sa akin?" tanong niya.

Narinig niya ang marahas na pagbuntung-hininga ni Hunter.

"Tsk, tsk! Pambihira ka talaga! As in ginawa mo ang gusto niya?! Pinatulan mo?!!!"

"Hmm... Okay lang, bayad naman ako eh. Iyon nga lang nangalay ako sa paghiga sa couch. Sumakit ata ang likod ko eh." balewalang wika ni Drake,

Tuluyan nang namula si Hunter at natuliro. Grabe kung makareact si Drake doon sa badang kanina... Sinabi pa nito na hindi sila call boys.. Tapos ay... Napailing-iling siya at napalunok.

"Pumunta ka na lang dito sa bahay ni Zech. May problema. May importante at mahalaga tayong pag-uusapan. Utang na loob, emergency ito!"

Inis na napakamot sa batok niya si Drake. Ayaw pa sana niyang umalis. Gusto pa sana niyang yayain si Daisy na lumabas muna sandali.. Pero wala siyang magagawa dahil halata sa boses ni Hunter na may problema nga. At curious siya kung ano ang problemang iyon, mukhang malaki.

Sir Blade BOOK 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon