42. The Mansion

1.8K 108 10
                                    


           "The Mansion"

"I'm sorry, Seb. I'm really sorry..."

Hinaplos ni Alexa ang pisngi ni Sebastian. Namamaga pa iyon. Ang dami nitong sugat at pasa sa katawan. Ayon kina Blade, napagtripan daw ito sa daan. Mabuti na lang at nakita ng mga ito si Sebastian... Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari dito. Tumingin sa kanyang mukha ang lalaki at ngumiti ng matipid. Hinaplos nito ang pisngi niya.

"Hindi mo kailangang mag-sorry sa akin. Hindi naman ikaw ang nambugbog sa akin eh."

"Pero ako ang dahilan kaya ka napahamak. Kung hindi kita inutusang lumabas para bumili ng makopa-"

Tinakpan ng hintuturo nito ang kanyang bibig kaya hindi na siya nakapagsalita.

"That's enough... Don't worry about me. I'm okay. I'm your man of steel right..? This is nothing."

Inalis niya ang hintuturo nito sa kanyang labi.

"Are you sure? Baka kailangan kitang dalhin sa ospital... Hindi natin alam kung may damage ang katawan mo sa internal-"

He smack a kiss on her lips.

"I just need a rest. Mas makakabuti kung kainin mo na lang itong mga makopang nabili ko. Kinulit mo ako ng husto dito, so please...?"

Inilagay nito sa kamay niya ang isang makopa at napangiti siya ng makita niya ang pink na prutas. Tinitigan niya iyon at naaakit siya sa cute nitong kulay. Muli siyang tumingin kay Sebastian.

"Your so sweet. Payakap nga!"

"Yeah, sure."

Malugod na sinalubong ni Sebastian ang mahigpit na yakap ni Alexa. Hinaplos niya ang buhok nito at napahinga siya ng malalim... Sinisiguro niya, hindi mapapahamak si Alexa.

"Hindi na ako magiging si Hydrian, kahit na kailan..." mariin niyang wika sa kanyang isipan.

Pumikit siya at mas niyakap ng mahigpit si Alexa..

Samantala... Nagulat sina Vaulant ng biglang dumating si Legion na puno ng galos at pasa sa katawan.

"Buwisit!" naiinis nitong wika.

Isang anino ang biglang namuo at lumitaw si Beelzebub.

"Hmm.. Mukhang may nangyari." napangiti nitong wika.

Inalis ni Legion ang isang malaking bubog ng salamin na nakabaon sa kaliwa niyang braso.

"Nakita ko si Hydrian... At hulaan niyo..." sarkastiko niyang wika.

Lumapit sa kanya si Colossus at inalalayan siya.

"Hulaan ang alin?" wika pa nito.

Tumingin siya kay Colossus at sa iba pang fallen angels na naroon.

"Hindi niya ako kilala! Hindi niya tayo kilala, wala siyang anumang natatandaan.. Ewan ko kung ano ang nangyari sa buwisit na iyon pero hindi siya makaalala maski na ano!"

"Anong sinabi mo?!" bulalas ni Tumand.

"Hindi ka naman bingi ano? Paulit-ulit? Ano ako, sirang-plaka?! Bandage nga!"

Napahawak sa kanyang baba si Beelzebub... Maaaring nawala ang alaala ni Hydrian dala ng paggising nito ng wala sa tamang panahon. Muli siyang tumingin kay Legion na kasalukuyang ginagamot ang mga sugat.

"Ano pa ang update mo tungkol sa kanya?"

Sarkastikong tumingin sa kanya si Legion.

"Ayos na sana eh, madadala ko na sana siya sayo... Pero lintek na kabuwisitan! Tinulungan siya nina Blade!"

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon