8. "MISSING"

2.3K 108 1
                                    

 

 

         "MISSING"

 

Napahinto sa akmang pag-inom ng softdrinks si Zech ng maramdaman niya ang pamilyar na aura sa tabi niya. Nasa plaza siya ngayon at nakaupo sa isang bench. Napalingon siya sa kanyang tabi at ang mukha ni Hideus ang nabungaran niya... Ngumiti ito ng matipid... Naramdaman din niya ang biglaang pagsulpot ng isa pang pamilyar na aura sa kanyang harapan... Napatingin siya dito at si Legion ang nakita niya. Mataman itong nakatunghay sa kanya.

"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong niya.

"Gusto naming itanong sa'yo si Creta. Nagkita na ba kayo o kaya... May ideya ka ba kung saan namin siya matatagpuan?" tanong ni Legion.

Nagtaka siya sa sinabi nito... Napakunot-noo siya at nablangko...

"Anong nangyari?" bigla niyang tanong.

Napailing si Hideus sa naging reaksyon ni Zech. Napahalukipkip naman si Legion at sinuri ang mukha niya. Bumuntung-hininga ito.

"Mukhang hindi ikaw ang pinuntahan niya para hingian ng tulong... Sabagay, kapag ginawa niya ang bagay na iyon... Para na rin niyang inilagay ang sarili niya sa patibong dahil madali lang namin siyang matatagpuan..." wika ni Hideus.

"T-Tulong...?" naguguluhang wika ni Zech.

"Nagtraidor si Creta. Kinalaban niya kami. Hindi na namin ipapaliwanag sa'yo ang lahat dahil wala ka naman nang kinalaman pa sa amin. Pero bibigyan kita ng babala... Mas makabubuti kung aalisin mo na ang anumang ugnayan sa kanya dahil tiyak na mapapahamak ka lang kung sakali... Huwag na huwag kang magkakamaling tulungan siya, pagkalaban na rin sa amin iyon..." babala ni Hideus.

Blangko ang tinging ipinukol ni Zech dito. Ngumiti siya ng matipid.

"Naiintindihan ko. Isa pa, wala naman akong pakialam sa kanya. Labas na ako diyan." wika niya.

"Mabuti naman kung ganoon." wika naman ni Legion.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay agad na siyang iniwan ng dalawa. Nang masiguro niyang wala na talaga ang mga ito ay saka siya huminga ng malalim... Napahawak si Zech sa punong baba niya at nag-isip... Natutuwa siya sa ginawa ni Creta pero nag-aalala din siya. Nasa panganib ito... Kailangang maunahan niya ang mga dating kasamahan sa Black Circle Organization sa paghahanap kay Creta. Problema nga lang niya kung paano niya ito hahanapin dahil wala siyang anumang ideya kung saan ito pupunta... Sa ngayon, kailangan niyang kumilos ng hindi nahahalata...

Bumuntung-hininga siya at inilapag ang bote ng coke na hawak niya. Marahas niyang inihilamos ang kanyang mga palad sa kanyang mukha... Kailangan niyang isipin kung saan niya puwedeng makita si Creta. Malaki ang utang na loob niya dito, hindi siya nito pinabayaan noon... Kaya hindi rin niya ito pababayaan....

Samantala... Hindi magkamayaw sina Blade, Hunter at Drake sa pagpapainom ng gamot kay Ai... Hindi na ganoon kataas ang lagnat nito. Pero siyempre, kailangan pa nitong uminom ng gamot para sa lubusang paggaling.

"Abuwisit ak pa! Ikaw Ai ah... Huwag mo ngang ibinubulsa iyang utak mong lase ay! Kung hindi ka iinom ng gamot, paano ka gagaling?! Anak na lase! Sige, huwag kang uminom ng gamot... Pero isipin mo, sino sa atin ang mahihirapan? Kami ba? Kami ba ang may sakit? Sino? Di ba ikaw?!" sermon ni Blade.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon