"UNEXPECTED CROSS"
"Teka lang, ano ba ito ha? Bakit may meeting?" untag ni Creta kay Blade.
"Nakalimutan mo na ba? Di ba sinabi ko na sa inyong apat na kukunin ko kayong mga judge sa sayaw ng mga estudiyante ko? Iyon ang project nila sa akin sa Physical Education. Bukas na iyon, kaya pinatawag ko kayong lahat." nakangising wika ni Blade.
"Yeah, hindi namin nakakalimutan iyon. Pupunta talaga kami. Kaya bakit kailangan mo pa kaming i-meeting?" si Zech.
Huminga ng malalim si Blade at ngumiti ng pilyo sa mga kaibigan niya.
"Siyempre kailangan nating mag-rehearse ng isasample nating sayaw. Kaunti lang naman ito, tiyak kasi na magre-request ang mga bata. Di nila tayo titigilan, beleive me!"
Napakamot sa batok si Drake.
"Right nga si Blade. Napa-sample na ako ng mga batang iyon." napaismid niyang wika.
Napalunok si Hunter sa kanyang narinig. Medyo umatras siya ng kaunti para lumayo sa grupo. Matino ang image niya at ayaw niyang madungisan iyon.
"Guys, sorry... Magkakasakit yata ako eh. Sumama bigla ang pakiramdam ko." wika niya sa lahat.
"Uy, Hunter! Huwag kang ganyan! Naka-Oo ka na sa akin. Anak na lase!"
"Wala akong talent sa pagsasayaw. Hanggang kusina lang ako."
"Kami rin, walang talent diyan!" itinaas pa talaga ni Creta ang kanang-kamay niya.
Napahalukipkip naman si Zech bilang tanda na hindi rin siya sang-ayon.
"Guys! Madali lang ang step. Sure ako na makukuha niyo agad. Kaya nga nagpatawag ako ng meeting para ituro sa inyo ang step. Simpleng-simple lang talaga siya, promise." napangising wika ni Blade.
"Parang kinabahan ako diyan sa ngisi mo. Ano ba iyong sasayawin natin, ha? Mag-umpisa na tayo para matapos na." naiinip na wika ni Drake.
"Anaconda!" mabilis na sagot ni Blade.
"HAAAAH?!!!..." gulat na bulalas ng lahat.
Nagkatinginan sina Zech, Hunter, Drake at Creta. Pare-parehong nawindang ang mga ito.
"T-Teka! Di ba pambabae ang sayaw na iyan at inaano-ano sa step iyong puwet?! Ayaw ko niyan!!..." tutol agad ni Zech.
"Ayaw ko rin!" si Hunter.
"Kami rin!" sina Creta at Drake.
Napamaywang si Blade at napailing sa mga kasama niya. Napakamot din siya sa batok. Pagkatapos noon ay bigla siyang tumawa ng mahina sa naging reaksyon ng mga ito.
"Guys, iyong intro lang naman ng tugtog ang sasayawin natin. Tsaka binago ko iyong step."
"Sige nga, sample nga!" kantyaw ni Hunter.
"Okay! Tingnan niyo akong mabuti para makita niyo ang step. Kagaya ng sinabi ko, binago ko ang step. Kung iyong sa original, sa likuran.. Well, di ipaharap na lang natin! Ha ha ha!"
"Anong ipaharap?!" si Zech.
Lumayo ng kaunti si Blade at humarap sa mga kasama niya. Tapos...
"Ganito iyon... Kapag narinig niyo iyong 'MY ANACONDA', point the lower part of your body. Inside the waist. Move your hips around. Tapos kapag iyong 'DON'T' na, push forward then bom- bom! Kung gaano kadami iyong 'DON'T', ganoon din iyong bom-bom."
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasyThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...
