34. Bittersweet Memories

1.8K 105 5
                                    

     "Bittersweet Memories"

"Okay ka lang?" tanong ni Drake kay Azrael.

Malungkot itong tumingin sa kanya.

"Oo naman. Salamat."

"Sigurado ka?"

"Ang kulit ng lahi mo."

Bumunting-hininga si Drake at nakapamulsa. Mataman siyang tumingin kay Azrael na nakaupo sa kama at nakasandal sa dingding. Halatang nabigla ito ng todo sa pagkawala ni Belle. Tuliro ito at hindi niya alam kung hihinto pa ito sa pag-iyak. Sobra talaga itong naapektuhan.

"Nakakatawa... Noong una kong makita si Belle, pinagtangkaan ko pa siyang patayin. Sinabi ko pa na hindi siya dapat mabuhay kasi creation siya ni Beelzebub... Pero tingnan mo, pinasaya niya ako at kahit na sabihin natin na ako ang nagtuturo sa kanya ng kung anu-ano... Ako pa ngayon ang nagkaroon ng leksyon sa kanyang pagdating.." tumawa ito ng matipid.

Amaze na napatingin si Drake kay Azrael.

"Talaga? Ano ang natutunan mo sa kanya?"

"Mahirap palang maiwanan at mawalan ng taong minamahal mo ng lubos. Lalo na kung permanente na talaga. Ang sakit, sobra..."

"Alam mo, feeling ko tuloy... Ang sama-sama ko." biglang wika ni Drake.

"Talaga? Bakit?"

"Nang-iwan ako dati eh. Walang paalam."

Napailing si Azrael at natawa ng mahina sa kanya.

"Ang sama mo nga."

Ngumiti si Drake. Maging siya, nalulungkot sa pagkawala ni Belle. Para na rin siyang nagkaroon ng nakababatang kapatid sa katauhan nito. Sayang talaga, nakakapanghinayang.

"Lalabas na ako. Kung may kailangan ka, katukin mo lang kami sa kanya-kanya naming kuwarto. Sana lang, mag-enjoy ka sa pag-e-stay dito sa bahay ko." paalam ni Drake.

Nagpresinta siyang patirahin na muna si Azrael sa bahay niya. Mas mahihirapan itong magmove-on kung mananatili itong mag-isa sa bahay nito. Marami lang itong maaalala. Hindi na nagsalita pa si Azrael at lumabas na ng silid si Drake. Naiwan na siyang mag-isa. Naghihintay sa labas sina Hunter at Blade.

"Kamusta siya?" tanong ni Blade.

"Ayon, malungkot pa rin at tuliro. Hayaan na muna natin siyang mag-isa. Siya nga pala, itago natin iyong mga cup noodles sa cabinet. Hindi makakabuti kung makakakita siya noon. Lalo lang siyang malulungkot."

"Sige. Ako na ang gagawa." wika ni Blade.

Umalis na si Blade at naglakad naman papunta sa may terrace sina Drake at Hunter. Parehas silang tumingin sa view na natatanaw nila.

"Namimiss ko si Belle. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng nakababatang kapatid. Walang makulit na mahilig magtanong ng kung anu-ano." pakli ni Drake.

"Tama ka." sang-ayon ni Hunter.

Bigla napangiti si Drake ng may maalala siya kay Belle. Isang eksena ang biglang nagbalik sa kanya. Kasalukuyang ipinapasyal nila si Belle sa parke nang matapos nila itong ipa-make over. Aliw na aliw itong tumitingin sa paligid. Napakislot si Drake ng bigla siyang sikuin ng dalaga. Kunot-noo siyang napatingin dito.

"Bakit?"

Namumula ang mukha nito at uneasy. Alanganin itong tumingin sa kanyang mukha pero pagkatapos noon ay...

"Tingnan mo oh, ano iyong ginagawa nila?"

Mayroon itong itinuro at napatingin siya doon. Medyo nagulat siya ng makita niya ang sinasabi nito. Mayroong nagkikiss sa di kalayuan.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon