"Shadow and Despair"
Mabilis na tumakbo sa kakahuyan sina Blade, Drake, Hunter at Zech. Sigurado silang doon nila narinig ang malakas na tili ni Rane.
"RANE!!!!..." halos sabay-sabay na tawag ng apat na binata.
Nilibot nila ang lugar pero ni anino ni Rane, hindi nila nakita. Nanghihinang napasandal si Blade sa may puno at napayuko.
"Anak na lase! Imposibleng maglaho na lang si Rane ng basta-basta... May nangyari, masamang nangyari at kasalanan ko itong animal! Abuwisit ak pa!" inis na iniumpog ni Blade ang ulo sa trunk ng puno.
Yamot na tumingin si Drake kay Blade.
"Puwede ba, hindi ito ang tamang oras at panahon para sisihin mo ang sarili mo! Mas mabuting kumilos ka kaysa magmulagat ka diyan! Abuwisit ak pa!" naiinis niyang turan.
"Tama si Drake. Maghanap pa tayo sa mga lugar na malapit dito." segunda ni Hunter.
Iyon na nga ang kanilang ginawa pero wala talaga. Kahit hibla ng buhok ni Rane, hindi nila nakita. Napatigil naman si Blade sa may gitnang bahagi ng kakahuyan. Gumawa ng kakaibang pabilog na hugis ang mga dahon sa lugar na iyon. Huminga siya ng malalim at natigilan siya... Hindi siya maaaring magkamali, ang amoy ng pabangong iyon... Strawberry scent! Iyon ang amoy ng pabango ni Rane!
"Rane! Rane!....."
Natigilan ang mga kasama ni Blade sa kanyang ginawa. Mabilis na naglakad papalapit si Zech dito.
"Alam mo kung nasaan si Rane?!" taranta nitong tanong.
"H-Hindi ako sigurado... Pero sa lugar na ito, naaamoy ko ang pabango ni Rane. Naiwan iyon."
Pagkarinig ni Zech sa sinabi ni Blade ay huminga siya agad ng malalim at naamoy nga niya ang pabango ni Rane. Napayuko siya at nakita niya ang kakaibang formation ng mga dahon. Naupo siya at dumakot ng lupa.. Pinakiramdaman niya ang paligid. Napalunok siya ng wala sa oras... Kung tama ang hinala niya, nasa matinding panganib si Rane at malabong matulungan nila ito. Marahas niyang sinuntok ang lupa.
"Bakit?!" tanong ni Blade.
Marahan siyang tumayo at tumingin sa mukha nito. Lumapit na rin sa kanila sina Drake at Hunter.
"Naiiwan ang mga ganitong bakas kapag may nagbukas na portal sa ibang dimensiyon. Mukhang nahigop ng isang portal si Rane... Dinala siya ng kung sino sa isang lugar."
"May paraan ba para masundan natin siya?!" tanong agad ni Drake.
"Titingnan ko ang magagawa ko. Lumayo muna kayo ng kaunti dahil gagawa ako ng pentagram dito." wika ni Zech.
Matamang sumunod sina Drake, Hunter at Blade. Lumayo nga sila at agad namang gumawa ng pentagram si Zech. Kulay-puti ang pentgram na iyon. Mula sa bulsa ng pantalon ni Zech, kinuha niya ang maliit niyang cutter at pagkatapos noon ay sinugatan niya ang kanyang kaliwang-braso. Ipinatak niya ang kanyang dugo sa gitna at paligid ng pentagram. Pagkatapos ng kanyang ginawa ay unti-unting nangitim ang kulay-puting pentagram... Nagulat siya dahil may lumitaw ding sulat sa paligid ng pentagram na kanyang ginawa. Iyon nga lang, hindi niya mabasa ang mga simbolong iyon. Hindi iyon mga demon's symbol kundi iba... Ang mga letrang iyon ang nagsisilbing seal para hindi mabuksan ang isang lagusan papunta sa isang mundo na nasa kakahuyang iyon...
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasiThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...