"Everything's as fresh as yesterday... but for him, it was just something that happened 36 years ago."
*kriiing~ kriiing~*
Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Shuta anong panaginip yun, ba't naman ako naiyak?
"Alissa, wake up! What are you doing!" rinig kong sigaw ni mommy mula sa labas ng pintuan ng kuwarto ko.
Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at kumuha ng panyo sa side table ko. Pinahiran ko ang mga mata kong namumugto na. Grabe, super ganda ata ng panaginip ko at naiyak ako? Kaso, nakalimutan ko naman kung ano 'yung panaginip ko agad.
Agad akong naligo at pagkatapos naman ay sinuot na ang mga nakahandang uniform sa kama ko. Si ate Sam naman ang nag-ayos ng buhok at bag ko.
Masasabi kong nabubuhay ako ng komportable at ayon sa gusto ko, pero hindi ko din masabi kung masaya ba talaga ako.
"Hindi ba ngayon ang bigayan ng card? Bakit hindi mo ako sinabihan agad? Are you not confident about your place? You should've told me earlier. You can't hide things from me, Alissa. If that Krystal stole your throne, what would your grandparents think of you-"
Hindi ko na tinapos ang kinakain ko at tumayo na sa kinauupuan ko. "I have to go, mom. Just like what you're always saying, I need to study and maintain my place."
Sumakay na ako sa sasakyan, bitbit ang bag kong walang laman. Last day na din kasi ng classes namin this semester, at tapos na din ang completion week.
Kalahating oras ang biyahe papunta sa university na pinapasukan ko mula sa bahay namin.
"Ma'am, paki-tawagan nalang po ako ulit pagkatapos ng class ninyo. Susunduin ko din po kasi si sir sa main branch kasi may emergency meeting daw sila mamayang hapon bago ang PTCA meeting niyo." sabi ni kuya Manuel habang tinutulungan ako bumaba ng sasakyan.
"Sige lang po kuya, ingat po kayo." ngumiti naman siya bilang tugon at sumakay na ulit sa sasakyan.
Nagsimula na ang araw at natapos din nang mabilis. Alas kuwatro na ng hapon at hinihintay nalang namin magsi-datingan ang mga magulang namin para sa last PTCA meeting.
Dumating na si mommy at daddy saka umupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang lisik ng tingin ni daddy kaya napayuko ako.
"Why, iha? I already know that you'll be the valedictorian this year. What's the matter?" tanong nito at umiling nalang ako.
Alam kong hindi concerned ang tanong ng daddy, pinepressure niya ako.
Ipinamigay na ang card at pagkatapos ay nagsimula na i-present ang mga with, with high, with highest honors, and the valedictorian and salitotorian.
"Congratulations, Mr. and Mrs. Villegas! We'll see you again in the graduation rehearsal."
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...