June 29, 1985
"Jusko, Ella! Mapapatay mo 'ko sa katarantaduhan mo. Dinamay mo pa si Corazon!"
"Hayaan mo na! Buhay pa naman si Corazon oh, patulog-tulog lang."
"Gaga ka, buti nalang mabuting tao si Governor!"
"Gaga ka din! Hindi naman pagsasamantalahan ni Governor 'yan kahit maganda 'yan 'no-"
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa kuwarto ko ngayon. "Ang ingay n'yooo..."
Napa-sapo naman ako sa ulo dahil sa sakit ng ulo na tinatamasa ko ngayon. "Omg, gising na siya." rinig kong sabi ni Florence at tumakbo sila lahat sa akin.
"Iinom-inom ka kasi, hindi mo naman pala kaya." pangaral sa'kin ni Ella at napa-iling nalang. "Anyways, you will thank me later!" masiglang sabi nito at ngumiti.
"Ha? Wait lang nasusuka ako, huhu." paalam ko sa kanila at dumiretso ng CR para sumuka.
To be honest, first ko lang talaga naranasan malasing. Hindi naman kasi ako umiinom, pa-unti-unti lang naman ako dati, huhu. Nagsi-takbuhan naman silang tatlo sa akin at tumulong na sumuka pa 'ko.
"Pustahan, first time?" tanong ni Ella habang hinahagod ang likod ko. "Pero mukhang sanay ka talaga eh! Mahina lang siguro alcohol tolerance mo 'no?" biro ni Ella at tumawa naman.
"Diba 'pag buntis, nagsusuka?" biro naman ni Florence at tumawa naman silang dalawa ni Ella.
Sasabat pa sana ako pero nagsalita naman agad si Sonya. "Tigilan n'yo nga!" panimula nito at pinagbabatukan si Ella at Florence. "Ano, okay ka na ba? Inuwi ka naman agad ni Governor 'no?? Wala naman s'yang ginawang-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang bigla akong napatayo.
"SI SIR BONGBONG? ANO? ANONG MERON? BAKIT?" hindi makapaniwala at sunod-sunod na tanong ko.
"Ayan na nga ba sinasabi ko. Halika dito Ella, kakaltusan lang kita!!" sigaw ni Sonya at sinimulan nang habulin si Ella.
Bigla namang sumakit ang ulo ko nang pinilit kong alalahanin ang nangyari. Hindi ko maalala lahat, pero may mga naaalala pa 'ko na sana hindi ko nalang naalala pa.
- flashback -
"Or would it be a waste?
Even if I knew my place, should I leave it there?
Should I give up?
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere,"
Nakita ko namang bumaba na si sir Bongbong. "Hoy, lalaki!" sabi ko at lumapit sa kaniya.
Nagulat at nagtataka naman akong tinignan ni sir Bongbong. "Halika na, iinom-inom tapos hindi naman ma-handle ang sarili-"
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...