December 22, 1985
Isang araw lang ang nakalipas nang marinig ni mommy ang balitang nagising na si sir Bongbong. Pinasundo na niya ako agad pabalik ng Maynila. Wala naman akong magagawa dahil 'yun naman talaga ang napagkasunduan namin.
Sa totoo lang, nawawalan na ako ng pag-asang ikasal pa kay sir Bongbong. Pero ang mahalaga, maayos na ngayon ang flow ng story niya. Mas okay na siguro 'yun.
Lumabas na ako ng kuwarto ko para mag-agahan. Nakita ko naman sina ginang na tumutulong ihanda ang agahan namin kaya tumulong na rin ako.
Nang hinihintay namin ni ginang sina Kris bumaba, naisipan ko munang umupo sa sala para manuod ng palabas. Napatigil naman ako nang bigla akong tinawag ni ginang.
"Ali, may padalang bulaklak nga pala kanina. 'Di ko alam kung kanino galing, pero baka ikaw alam mo. Kunin mo na." sabi nito sa akin at tinurong kunin na ang bouquet ng flowers na nakalagay sa box.
Nagmamadali naman akong pumunta sa la mesa at 'yung box. Hindi ko naman agad nakita kung anong flowers 'yung nasa loob kasi ang shala ng packaging, naka-box pa.
Si sir Bongbong talaga, mukhang mamahalin pa 'tong pinadala niya sa akin ah. Napangiti naman ako nang buksan at maamoy 'yung bulaklak.
"Mga bata nga naman sa panahon na 'to..." rinig kong reklamo ni ginang at umirap.
Tinawanan ko lang siya at patuloy lang na inamoy ang flowers. "Sa kaniya kaya galing 'to?" nagtatakang tanong ko. "Pero bakit naman color black pa 'yung roses na pinili niyang ipadala sa akin?"
Napatingin naman agad sa akin si ginang. "Black roses?"
"Yup. Isn't it unique?"
Pauline Sonya Austria
"Don't use my loyalty to the party to question my decision!" galit na sigaw nito sa akin.
Napaatras naman ako dahil naramdaman kong wala talaga akong pag-asang piliting makinig siya sa payo ko.
"Nagu-guilty na ako, Favion! Knowing na sumusunod tayo sa utos ni Mayumi, na nagtangkang pumatay sa kaibigan ko is what disgusts me most!" galit rin na sabi ko at napaluha nalang.
"Alam ko! Kaya ako natatakot na harapin ka ngayon! Ako! Ako ang nagsama sa'yo rito..." nanghihinang sabi nito at galit na binagsak ang gamit niya sa lapag.
"Hindi, Favion. Kailangan ko rin ng tulong nila sa pagkakataong 'yun. Walang may kasalanan." panimula ko. "Kung gusto man nating bumawi sa kanila, kumilos tayo nang naaayon sa tama..." pangungumbinsi ko.
"Sinubukan ko naman, Sonya. Sinubukan ko. Pero malaki ang utang na loob ko sa grupo." rinig kong sabi nito at bigla nalang napaiyak.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...