Kabanata 36

177 30 19
                                    

Alissa Hernandez / Leonora Corazon Aquino


Ang sakit ng ulo ko, nasaan ba ako? Nagising ako na nakasalampak sa lapag at hilong-hilo. Sinubukan ko namang tumayo pero nabigo lang ako dahil nakatali ang dalawang kamay ko sa gilid ng kama.


"Kap, gising na siya-"


Hindi na naituloy pa ang sasabihin nito nang biglang may isang matandang lalaki na pumasok sa silid.


"Dalian mo't iabot mo na ang pagkain niya. Marami pa kaming pag-uusapan." utos nito sa babae at nilapag naman ng babae ang pagkain ko sa tapat ko.


Nanginginig naman akong napatingin sa kaniya. "S-sino ka ba? Nasa'n ako-"


Hindi na rin niya ako pinatapos pang magsalita. "'Wag ka nang mag-ingay d'yan. Kumain ka na muna, malalaman mo pagkatapos." sagot nito sa akin at iniwan na akong mag-isa sa silid.


Tinitigan ko lang ang pagkain sa harap ko. Napatingin din ako sa mga binti kong nanginginig rin dahil sa takot.


Kanin, tuyo, kamatis, at saging na saba ang hinanda nila sa akin. Mukha namang walang masama sa pagkain nila, pero wala akong ganang kumain dahil sa mga nangyayari. Nasaan ba kasi ako? Ano bang kasalanan ko sa kanila at kinidnap nila ako? Natatakot na talaga ako.


Narinig ko namang kumalam na ang tiyan ko kaya napilitan akong galawin 'yung kanin at kamatis dahil hindi ako marunong kumain ng tuyo. Mas manghihina siguro ako kung hindi talaga ako kakain... wala naman sigurong lason 'to?


Dahil na rin sa gutom, naubos ko lahat ng hinain nilang pagkain sa akin except lang sa tuyo. Nagsink-in naman lahat ng mga nangyayari sa akin pagkatapos kong kumain.


Kinidnap nga pala ako, shet. Katapusan ko na ba 'to? Saglit lang, hindi ko pa nakikita si sir Bongbong, huhu.


Napatigil naman ako sa lahat ng pag-ooverthink ko nang may lalaking pumasok sa silid. Teka, parang pamilyar siya...


"Ikaw 'yung kasama ni Roland sa dorm-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit sa akin.


Nagulat naman ako nang bigla niyang hinitak hinigpitan ang pagkakatali ko sa kamay. Kinuha niya lang ang pinagkainan ko tsaka naglakad paalis.


Sigurado akong nakita ko na siya... hindi ako sigurado kung siya 'yun, pero parang siya talaga 'yun.


Sinubukan ko namang kunin ang atensyon niya. "Teka, kilala kita!" pigil ko sa kaniya at napatigil naman siya.


Bumalik naman siya sa puwesto ko ulit at nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang buhok ko tsaka ito hinitak.


Napa-aray naman ako sa ginawa niya at binalak na sipain siya pero mas hinigpitan niya lang ang sabunot sa akin.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon