June 22, 1985
"What if mag-pula ka nalang ulit?? Bagay na bagay sa'yo 'yun nung nagpunta ka sa malacanang!" sabi nito at halos halughugin na ang buong dorm namin kakahanap ng damit.
"Ayusin mo nga! Magpupunta ako dun para magsulat, hindi para mag-night club!" iritang sabi ko at binato pabalik ang red strap dress na pinapasuot niya sa akin.
Hindi ko nalang pinansin si Sonya sa pagpili niya ng damit ko dahil gagawin niya akong clown sa mga pinipili niyang damit. Nagsuot nalang ako ng pink short-sleeve polo na may design na strawberries at nag-long, black pleated skirt.
Hapon pa naman sila magrerepack, kaya okay lang naman sigurong magbasa-basa ng notes ko about sa newswriting guidelines para naman ready ako magsulat mamaya.
Pagtapos ko lang magbasa ay nagpa-sama nalang ako kay Sonya papunta ng munispyo. May nakalimutan nga lang ako, ang magtanghalian.
Alas-tres pa lang naman ng hapon nang dumating kami ni Sonya. Ang sabi naman niya sa akin, iiwan niya na ako maya-maya lang dahil magsisimula na din siya magsulat mamaya. Tutungo daw siya sa Edsa para manuod ng rallies.
Naalala ko naman tuloy ang future ko. Anti-Marcos ang buong pamilya namin. Lahat kami ay galit sa kanila. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi 'yun dahil sa ginawa daw nila noon, dahil 'yun sa political party na kinaaaniban ng lolo ko.
"Huy, Corazon!" gulat ni Sonya sa akin nang napansing tulala ako. "Aalis na kako ako, maiwan na kita ah. Goodluck!" masiglang bati nito at kumaway na paalis.
Tumayo naman ako at kinawayan ko naman siya tsaka umupo ulit sa upuan dito sa waiting area. Ilang minuto lang ang lumipas at lumabas na si sir Bongbong ng opisina niya at sinalubong ako.
"Kanina ka pa ba naghihintay d'yan? Sana kumatok ka. Mainit pa naman sa puwesto mo." bati nito sa akin.
Good mood ata si BBM today at naisip niya pa 'yon? "Naku, ayos lang po."
"Sana nagtanghalian ka na, hanggang gabi kami magrerepack sa convention." sabi nito at nagsimula nang maglakad paalis.
Hindi na ako nakasagot at sinundan ko naman siya. Hala, hindi nga pala ako nagtanghalian. Shuta ka naman, Ali.
Sumakay na ako sa sasakyan at umupo sa shotgun seat, baka masabihan na naman niya ako na driver ang turing ko sa governor ng Norte.
Naging tahimik lang ang biyahe namin, kagaya ng ineexpect ko. Pero dahil madaldal akong tao at gusto ko siyang makilala, naisipan ko na mag-open ng convo.
"Sa tingin mo po ba, magtutuloy-tuloy na ang pagiging public servant mo in the future?" seryosong tanong ko habang naglalagay ng seatbelt.
"Kasama ba 'to sa isusulat mo?" tanong nito pabalik sa akin. "Hindi." maikling sagot nito at nag-drive nalang. Akala ko pa naman good mood siya, sayungs.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Ficción histórica[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...