Third Person Point of View
"Hindi ka na welcome dito, Mayumi." kinakabahang sabi ni Charlyn at sinubukan siyang paalisin sa dorm.
"Sino bang nagsabing welcome ako dito, ma'am?" natatawang sagot ni Mayumi at tuloy-tuloy lang sa pagpasok ng office ng headmaster ng dorm. "'Wag po kayo mag-alala at hindi din ako magtatagal dito. May kukunin lang ako." pagpapakalma nito.
Aktong pupunta na sana si Mayumi sa ilalim ng table ni Charlyn ng bigla itong tinulak palayo. "Wala ka na sabing babalikan dito. Nakikinig ka ba? Umalis ka nalang." galit na sabi nito at sinenyasan lumabas ng kuwarto.
Tumawa naman agad si Mayumi at tinulak rin siya. Nagtagumpay naman siya sa pagtulak niya dahil napaupo nalang is Charlyn. Dali-dali naman niyang binuksan ang drawer at sinimulang hanapin ang tape.
"Ano bang kailangan mo??"
"Nasaan 'yung tape?" nagpapanic na tanong ni Mayumi nang mapagtanto niya na wala rin kay Charlyn ang nasabing tape. "Sigurado akong sa kaniya 'yun iiwan ni Sonya..." bulong naman nito sa sarili niya.
"Wala sa'kin." seryosong tugon ni Charlyn at hinitak na si Mayumi palabas ng dorm. "Umalis ka na kung ayaw mong magkagulo pa dito." dagdag pa nito.
Mahihitak na sana ni Charlyn palabas si Mayumi nang bigla siyang tinutukan ng baril nito. "Kung wala sa'yo, nakanino?"
Napayuko naman agad si Charlyn dahil sa tanong ni Mayumi. "Wala ka na dun." matapang na sagot nito.
Sinamaan naman siya agad ng tingin ni Mayumi at mas diniin ang tutok sa kaniya. "Baka nakakalimutan mo, suspended klase mo. Walang estudyante oh, 'di ka ba nag-iisip ng maaaring mangyari sa'yo dito?"
"Matagal na rin akong umalis sa pagiging rat ng grupo. Respeto mo nalang sa pagkamatay ni Sonya 'yung gagawin mo sa'kin."
"Fine." sagot naman nito at nagkamot nalang ng ulo gamit ang baril niya. "Naka'y Corazon na, tama ba 'ko? Kaya ba hindi mo rin maibigay sa'kin? Kasi wala na sa'yo?" natatawang tanong nito na nagpakaba kay Charlyn.
"'Wag mo nang idamay 'yung bata dito. Wala siyang kinalaman sa dalawang partido." galit na sabi nito at tuluyan nang pinalabas si Mayumi ng silid.
Tinawanan naman siya ni Mayumi tsaka nilabas nito ang silencer ng baril nito. "Phew, ang sarap talaga ng trabaho ko. Pa-spy-spy lang, pero may kakayahan na akong pumatay ng tao kung kailan ko gusto."
Alissa Hernandez / Leonora Corazon Aquino
Naalimpungatan naman ako sa pag-tulog ko nang mapansing parang masyado nang kaduda-duda 'yung haba ng tinutulog ko. Isa pa, nakatatak na sa isip kong babalik kami ng Ilocos Norte ngayong araw.
Pagkadilat na pagkadilat ko pa lang ay napatayo ako ng higaan ko nang makitang wala na ako sa kuwarto ko. Dali-dali naman akong tumakbo palabas ng kuwarto para silipin kung tama ba ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...