April 14, 2018
Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.
"Honey, have you seen my wedding dress?" rinig kong tanong ni Liza habang binubuklat niya 'yung mga storage box namin. "Oh no, susuot ko pa naman 'yon sa silver wedding natin, huhu. I swear I kept those here eh." dagdag niya pa at napa-iling nalang.
Nilapitan ko naman siya para tulungang maghanap. "Hindi ba you kept it sa house natin sa Ilocos?" nagtatakang tanong ko. "Oh no, I think you left it somewhere there eh-"
Hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumili. "Waaah! Sabi ko sa'yo it's still in here eh." biglaang sabi nito at pinakita pa sa akin 'yung wedding dress niya. "Look oh, honey!" masiglang sabi nito.
Napangiti naman ako agad at sinenyasan siyang isukat 'yon. "Try mo isukat. That dress was a perfect fit to you."
"Kasya pa naman siguro sa akin 'to, 'right?"
-----
"It looks good on you, Liza. You look... perfect." puri ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya agad at niyakap ako, suot-suot niya ang wedding dress niya. "Do I still look pretty on this?"
"Y-yup. I just told you earlier-"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may ala-ala na pumasok sa isipan ko.
- flashback -
Napabaling naman ang tuon ko agad sa kaniya nang marinig ko na bumukas na 'yung pinto ng fitting room. Nagmamadali naman akong tumakbo sa puwesto niya at nagulat nang makitang suot-suot na niya ang wedding dress niya.
"Wow, mahal ko. You look... perfect." puri ko sa kaniya at niyakap siya.
Nagulat naman ako nang bigla siyang kumalas agad sa pagkakayakap ko sa kaniya. "What's wrong? Ayaw mo ba?" nagtatakang tanong ko at agad na sinuri ang wedding gown na suot-suot niya.
Umiling naman siya agad at pilit na ngumiti sa akin. "Do I look pretty on this?" seryosong tanong nito at tumingin ulit sa salamin.
Nagtaka naman ako sa tanong niya dahil napansin ko talagang malungkot siya nung sinuot niya 'yung wedding dress. "Y-yup. I just told you earlier-" assurance ko sa kaniya at tumango-tango pa.
Bigla naman siyang naglakad papunta ng counter kung saan nakatayo 'yung designer. "Madame Era, we'll get this na po as well as sir Bongbong's suit. Thank you for having us."
Pagkatapos naman naming maisaayos 'yung payment ng wedding outfits namin ay binalak na naming umuwi agad pagkatapos. Nilapitan ko naman siya nang mapansing parang hindi talaga siya satisfied sa pinili niya.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...