Author's Note:
The following chapters may tackle serious issues that may trigger different opinions from the readers. Feel free to skip it if you feel like it.
-----
Third Person Point of View
"Here comes the firstlady." bati ng manghuhula kay Imelda at sinenyasan siyang umupo sa lapag.
Dali-dali namang kinuha ni Imelda ang unan para gawing upuan bago siya umupo sa lapag.
"That 'unlucky four ladies in the same boat have to die,'" panimula nito at kinakabahang tumitig sa mga baraha ng manghuhula. "What do you mean by that?" dagdag na katanungan nito.
Napangiti naman agad ang manghuhula at pinakita ang baraha na nakita rin ni Imelda at ni Cory nung nakaraang pagpunta nito sa manghuhula.
"I only say what the cards show me." panimula nito at binalik na ang barahang kinuha niya sa kahon.
Galit naman siyang tinignan ni Imelda. Napailing nalang siya at inis na tinanggal ang ginintuang kwintas niya sa leeg tsaka ito inabot sa manghuhula.
Ngumiti naman agad ang manghuhula tsaka nito kinuha ang kwintas na inabot ni Imelda. "The first one already died."
January 4, 1985
Pauline Sonya Austria
Napatingin naman ako sa kwintas na suot-suot ni Favion. Napansin ko lang kasi na parang kwintas ng babae 'yung suot niya.
"Bakit?" nagtatakang tanong nito nang makita niyang nakatitig ako sa kwintas na suot-suot niya.
"Ang ganda ng kwintas mo." panimula ko at lumapit sa kaniya para titigan 'yun. "Puwede bang... akin nalang? No. I mean, ibenta mo nalang sa'kin." dagdag ko pa.
Natigilan naman siya sa tanong ko. Nakita kong nag-isip pa siya ng isasagot niya sa akin pero ang ending lang ay umiling siya at binawi ang kwintas niya sa leeg na hawak-hawak ko kanina.
"Mahalaga 'to sa'kin." maikling sagot nito at tumalikod na tsaka nagsimulang maglakad.
"Galing sa babae?" curious na tanong ko.
Napatigil naman siya sa paglalakad niya tsaka humarap sa akin at tumango. "Unang babaeng minahal ko." sagot nito sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad.
Natawa nalang ako dahil sa sinagot niya. Oo nga naman, bakit niya ibibigay sa'kin 'yung kwintas na mahalaga sa kaniya.
Magsisinungaling pa ba ako sa sarili ko? Oo, tinamaan talaga ako kay Favion. Ewan ko kung kailan nagsimula. Pero isa lang ang sigurado ako, 'yun ay ang hindi niya ako gusto.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...