Kabanata 11

208 31 14
                                    

"Sonya! Tulungan mo 'ko maghanap ng damit, please." nagpapanic na sabi ko habang binubuklat ulit ang cabinet ng mga damit ko na kaaayos lang kanina.


"Huy, kaliligpit mo lang n'yan kanina! Bakit ka ba nagmamadali? May lakad ka ba?" sunod-sunod na tanong nito at tinulungan naman ako sa paglalabas ng mga damit mula sa cabinet.


Hindi ko na siya sinagot pa at tinuloy lang ang pag-hahanap ng isusuot na damit. "Shuta, 8 pm ata simula ng party sa malacanang."


"Saan ka nga pupunta? Para alam ko kung anong damit bagay!"


"Sa party sa malacanang! Kalayaan ng pinas party ata itech!" nagpapanic naman na sagot ko.


Nagulat naman siya sa sinabi ko at hinampas ako sa braso. "Malacanang?? Seryoso ka ba- Ay, sorry! Aquino ka nga pala, nakalimutan ko. Saglit eto na, tutulungan na kita."


Nang makahanap naman siya ng formal na damit ay pinakita niya sa akin ang yellow na pleated dress. Umiling naman ako. "Sawang-sawa na 'ko sa dilaw, huhu." binaba naman niya ang damit at nagtuloy lang sa paghahanap.


Naka-tatlong recommend na siya ng damit sa'kin pero kahit isa wala akong napili. Nagpapanic na ako lalo nang maalalang lagpas 7 pm na. Bigla namang may pumasok sa kuwarto kaya napatigil ako sa paghahanap at napatingin kami.


"Uy, Ella-" hindi na natapos ni Sonya ang sasabihin nito nang biglang tinuro ni Ella ang hawak-hawak kong damit at nagsalita.


"'Yang hawak mo, Corazon. Bagay na bagay sa'yo." agad na sabi nito pagkapasok ng pinto.


Napatingin naman ako sa hawak kong damit. Pulang formal na dress na solid na solid ang pagkakapula. "Hindi ba masyadong matingkad pagka-pula nito?" tanong ko sa kaniya.


Lumapit naman siya sa akin, dala-dala ang bagahe niya. Kababalik lang ata niya. "Ayaw mo nun, magsstand-out ka d'yan." sabi nito at pumunta na sa CR para ata magbihis.


Napa-isip ako sa sinabi niya kaya naman naisipan kong hanapin na ang iteterno kong sapatos. "Shuta, sayang talaga 'yung sapatos na nakita natin Sonya!" mangiyak-ngiyak na sabi ko.


Tinawanan lang ako ni Sonya. Agad ko naman nakita ang nag-iisang pulang sapatos na meron ako. Agad ko itong kinuha at nagsimula nang magbihis. Nagmamadali na naman ako, shutangina naman kasi kung binigay lang sakin ni Mayumi 'yung invitation kagabi eh!


Nakapag-bihis na ako sa kuwarto at tapos na rin magbihis si Ella na galing pa sa CR. Sinuklay ko lang ang buhok ko at dinampian ng red lipstick ang lips ko. Hindi ata uso nude shades sa panahon na 'to, lahat ng lipstick na baon ko matte and glossy red, huhu. Sinuot ko na din ang earrings na binigay sa amin ni ginang nung nagpunta kami sa malacanang last last week.


"Ganyan? Ganyan lang itsura mo papunta, Corazon?" nagtatakang tanong ni Ella nang makitang tapos na akong mag-ayos. Pinaupo niya ako ulit at sinuklay ang buhok ko. "'Wag ka malikot."

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon