Kabanata 3

349 38 15
                                    

"Sir Bongbong! Binabalak kang ipakasal sa akin ng pamilya namin kung kaya't naparito kami dito sa malacanang!" wala sa isip na sigaw ko na ikinatigil ng mga bantay, pati na rin ni sir Bongbong.


Halos mahilo at mabaliw ako dahil sa sinabi ko. Agad ko talagang pinagsisihan lahat ng lumabas sa bibig ko huhu.


Humarap sa akin si sir Bongbong at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Shuta sizt, parang nakaka-offend 'yon ha.


"What?" nagtatakang tanong nito sa akin.


"What?" nagtatakang sagot ko din.


Shuta, ano ba kasing sinabi ko huhu. Tinignan naman niya si ginang Leonida, sinisigurong nagsasabi ako ng totoo.


Bumalik ulit ang tingin niya sa akin at lalong mas nagtaka. Umiwas ako ulit ng tingin dahil naiilang talaga ako sa kaniya, lalo na't ang bata niyang tignan huhu.


"Let's talk about that later." sagot nito at tumalikod na siya ulit at nagsimula nang maglakad. Habang naglalakad kami ay napansin kong parang basa ang taas na parte ng ulo ko. Parang may something na ano eh.


Pinunasan ko ang anet ko gamit ang mga kamay ko at laking gulat ko naman nang makita ang mga kamay ko na may dugo.


"Shit, shit, shit!! Ginang Leonidaaaa! Help me!" nagpapanic na sigaw ko at nagulat naman ang mga bantay sa ginawa ko.


Agad naman akong tinignan ni ginang at nagpanic din nang makita ang mga kamay ko na may dugo. "Ay jusko, Ali!"


Sinubukang kumalas ni ginang Leonida sa mga bantay pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nila sa amin.


"What's happening?" iritang tanong ni sir Bongbong kaya naman napabaling ulit ang tingin niya sa amin.


Takot na takot ako sa dugo. Kahit kaunting sugat lang ay feeling ko mamamatay na 'ko.


Nagpanic ako lalo kaya hinawakan ko ulit ang anet ko at tinignan kung may dugo pa din.


"What happened???" nag-aalalang tanong ni sir Bongbong nang makita ang mga kamay ko na puno ng dugo. Nilapitan niya naman ako agad at tinignan kung may galos ang katawan ko.


Hindi ko na siya sinagot dahil hindi ko alam ang gagawin ko at para pang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Dumudugo pa din, at tuloy-tuloy talaga siya aaaaaaa.


Hindi ko alam pero feeling ko ay nahilo ako dahil sa kapapanic at takot ko na may kung ano nang nangyari sa akin.


Mas lalong naramdaman ko ang sakit ng ulo ko na para bang binibiyak. Napapikit nalang ako at pagdilat ko ay nagsimula nang lumabo ang paningin ko.


Naramdaman kong may bumuhat sa akin. "Quick, quick! Open the gates!"


Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon