Kabanata 43

142 23 41
                                    

Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.


"No need to worry, Gov. Marcos. Just fatigue and too much stress." paliwanag sa akin ng doctor at iniwan na kami.


Napatingin naman ako kay Corazon na ngayon ay mahimbing lang na natutulog. Lalapitan ko sana siya sa puwesto niya pero biglang nagsalita si tita Cory at humarang sa lalakaran ko.


"Aren't you ashamed, Mr. Marcos?" panimulang tanong nito habang nakatingin lang kay Corazon. "You see, every time you come near to my daughter, something bad will happen to her." dagdag pa nito at humarap na sa akin.


Tinitigan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Napayuko nalang ako dahil sa hiya na nararanasan ko ngayon. Alam ko rin sa sarili ko na wala na akong mukha pa na maihaharap sa kanila.


"Bongbong, mas maganda sana kung asikasuhin mo muna ang mga gagawin mo. Kami nang bahala kay Corazon." bilin sa akin ni lola Leonida at sinenyasan na akong umalis.


Tumango naman ako at kinuha na ang wallet ko. "Mauna na po muna ako sa inyo, aasikasuhin ko lang po muna 'yung hospital bills ni Corazon." paalam ko sa kanila at lumabas na ng kuwarto.


"Mabuti pa nga." rinig kong bulong ni tita Cory na sadya niyang nilakasan para marinig ko.


Bago pa man ako makalabas ng pinto, narinig ko naman ulit na pinag-usapan ako agad nina tita Cory. Hindi ko nalang pinansin at agad na pumunta sa lobby ulit ng ospital para bayaran na agad ang charges at bills ni Corazon. Hindi naman siguro magtatagal sa ospital si Corazon dahil mukhang napagod lang talaga siya.


Hindi ko naman siya masisisi na nagalit siya agad sa akin. Although hindi ko lang din masabi na may karapatan din akong magpaliwanag sa kaniya. Binabalak ko nalang muna na intindihin ko ang kalagayan niya sa ngayon at baka sakaling sa susunod lang ay handa niya na rin akong pakinggan.


Pagkatapos kong maisa-ayos 'yung mga hospital bills ni Corazon, dumiretso na agad ako sa kuwarto niya. Papasok na sana ako nang pinto pero napabalik ako agad nang marinig na may pinag-uusapan na sila sa loob.


"Yes, 'democracy.' At least for once, you can see my intentions to run for the presidency. I guess you're not blind at all." rinig kong sabi ni tita Cory.


"I wasn't blind all this time..." rinig kong panimula ni Corazon. "I feel ashamed for I was turning a blind eye." dagdag pa niya na ikinagulat ko.


Hindi ako makapaniwala sa sinagot ni Corazon. I know for sure na may pinaghuhugutan siya ngayon kaya niya lang nasasabi 'yang mga 'yan. Maybe it's because she still hasn't heard my explanation.


Pero sa totoo lang, nasasaktan na ako. Nasasaktan na ako dahil pakiramdam ko, nawalan na rin siya ng tiwala sa akin.


Dahil ba sa pamilya ko? Dahil ba sa pamilya namin? Ako ba ang nagkulang?


Nagkulang ata ako sa pagbuo ng tiwala sa aming dalawa.


"Don't be ashamed, honey. I know for sure that you get your lesson from now on." sagot naman ni tita Cory.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon