Kabanata 4

329 37 30
                                    

Natatakot ako na baka nga ako si Corazon o kamukha ko lang siya. Natatakot ako na baka nasa katawan nga niya ako. Natatakot ako sa mga nangyayari at mangyayari pa.


Lalo kong sinubsob ang mukha ko sa higaan dahil ayokong makita niya ako na umiiyak. Ilang minuto ang nakalipas at hindi pa din siya umiimik.


Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at nagulat ako nang makita kung sino ang nakayuko at nasa harapan ko ngayon.


Si sir Bongbong na inaalok ang mga kamay niya na tanggapin ko.


Tinitigan ko siya nang mabuti at dahan-dahan na inabot ang mga kamay niya. "Everything will be alright." mahinahon na sambit nito.


-----


"'Wag na 'wag mo nang uulitin iyon, Ali! Mapapatay mo ako sa nerbiyos." galit na galit na sabi ni ginang.


Nginitian ko siya at pinagpatuloy lang ang pag-kain ng tinolang manok. Nasa dining room kami ng pamilya Marcos. Kami lang ang nandidito ni ginang Leonida, mga kasambahay, at ng mga bantay.


"Nasaan na po pala si sir Bongbong? Hindi niya po ba tayo sasabayan kumain?" nagtatakang tanong ko kay ginang.


Wala din ang buong pamilya nila, baka iniiwasan kami huhu.


"Nasabi niya kanina sa akin na may pupuntahan pa daw siya kaya mauna na tayo." panimula ni ginang at uminom ng tubig. "Magkakaroon ng family dinner mamayang alas-sais ng gabi, kasama tayo." dagdag pa nito.


"What? With their whole family?? How am I even supposed to explain what I said to sir Bongbong last night-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil tinakpan na ni ginang bibig ko.


"Mga bantay." bulong nito sa akin.


What the fuck is happening, huhu. How am I even supposed to answer them if ever na tanungin kung anong ginagawa namin dito ngayon?


Luckily, they actually treated us like a visitor. Probably because I said that I was about to marry sir Bongbong. Nakakahiya ako, huhu.


Bumalik na ako sa kuwarto ko dahil hindi naman na kami pinapayagang gawing pasyalan ang malacanang. Hindi kami magkasama ni ginang sa kuwarto pero nasa tabi lang naman ang kuwarto niya.


Pagkapasok ko ng kuwarto ay ora-oradang pinalibutan na ulit ng mga bantay ang pinto sa labas. Mukhang espiya pa din talaga ang tingin nila sa amin. Naisipan ko nalang na magbasa dahil may mga libro akong nakita sa side table. Bored na bored na ako sa binabasa ko dahil wala naman ako sa mood talaga magbasa. Alas tres pa lang ng hapon at alas sais pa ang dinner. Gusto ko na lang umuwi talagaaa.


Habang nakadapa ako sa kama ay may narinig akong nagtatawanan sa baba. Agad naman akong sumilip sa terrace. Kitang-kita dito ang lawa ng Paoay pati na rin ang maliit na kainan sa baba.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon