Kabanata 27

235 31 46
                                    

September 29, 1985

Maria Mayumi Gregorio


Nagmamadali at galit na galit akong nilapitan ni mommy. "If you let Corazon marry Bongbong, my life will be over!"


"I can't, mom..." nanghihinang sagot ko at napatingin nalang sa baba.


Agad naman niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Did you know what would happen to our family if they settled both issues of the party with a marriage?!"


Nanginginig ako sa takot at galit na nararamdaman ko. Matagal ko nang gustong pigilan ang kasal ng dalawa. Hindi para sa political party namin, dahil na 'to sa kagustuhan kong mapasakin si Bongbong.


Pero wala akong magawa. Ilang araw na ang nakalipas simula nang halos ipagtabuyan na ako ni Bongbong sa party niya. Inamin niya sa akin na hindi niya daw talaga kayang tapatan ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya.


"Sorry. I really have no idea, mom..." malungkot na sagot ko lang kay mommy at hindi pa rin siya hinaharap.


Bigla naman niyang hinawakan ang baba ko tsaka ako pinatingin sa mga mata niya.


"You must stop the wedding," galit at seryosong panimula nito habang tinititigan ang mga mata ko. "...even if you have to kill Corazon."


Napabitaw ako agad sa mahigpit na pagkakahawak ko sa basong iniinuman ko. Nabasag naman ang baso na mas lalong nagpagulat sa akin.


"I can do it..."


Alissa Hernandez / Leonora Corazon Aquino


Ilang linggo na ang nakalipas nang nagsimula akong naging 'acting-fiancee' ni sir Bongbong. Naka-set na ang lahat. Ang date kung kailan kami ikakasal at iba pa. Sa totoo lang, super saya ng mga nakaraang araw. Ewan ko ba, bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin.


"Bakit kasi binili mo na agad 'tong bahay na 'to?" inis na tanong ko sa kaniya habang inaayos ang mga gamit na binili rin niya sa mansion. "Tignan mo! Hindi pa nga tayo kasal, naka-ready na lahat." dagdag ko pa.


Tumawa naman siya at lumapit sa akin para tulungang iayos ang mga cooking utensils na binili niya.


"Para ready na, wala nang atrasan." sabi nito at tumawa.


Hinampas ko naman siya sa braso. "Aba, asa ka! Sinong nagsabing papakasalan kita?" pang-aasar ko rin at iniwan siyang nag-aayos ng mga cooking utensils.


"Sus, 'di ka lang marunong magluto eh." panimula nito na agad na ikinabalik ng atensyon ko sa kaniya. "Akala ko nga tinola 'yung luto mo nung nakaraan, sinigang pala 'yun." dagdag pa nito at tumawa.


"Wow, the audacity! Bahala ka talaga d'yan magligpit mag-isa mo!" inis na sabi ko at nagdabog pabalik ng sasakyan para kumuha pa ng mga binili niyang gamit.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon