Kabanata 25

227 36 33
                                    

Imposible. Napaka-imposible ng mga nangyayari sa mundo na 'to. Hindi totoo si Corazon. Walang Corazon na ipinanganak sa mundo!


Walang naipanganak na Corazon, pero bakit? Bakit may ala-ala siya? At bakit ang mga ala-ala niya ay nagiging ala-ala ko na rin?


Kung tunay na nagkaroon ng Corazon, bakit hindi siya kilala ng mga tao sa hinaharap? Kaya ba laging aapat lang silang magkakapatid na Aquino sa family picture nila? Kaya ba sinasabi ni mommy na pinagbigyan niya lang akong makilala ng mga tao ngayon?


Hindi ako naniniwalang nag-exist at nag-eexist si Corazon. At kung totoo man, tama nga si Mayumi. Corazon must be scary.


September 13, 1985


"We're already on our way, honey. Sa amin ka ba sasabay?" tanong ni mommy sa kabilang linya. "Opo, mommy." maikling sagot ko.


Narinig ko naman siyang napabuntong-hininga mula sa kabilang linya. "What about Bongbong? Hindi ka ba niya susunduin?"


"Wala po siyang nasabi, mommy. Hintayin ko na lang po kayo dito sa dorm. Take care, love you." paalam ko sa kaniya at binaba na ang telepono.


Umakyat na ako ulit at bumalik sa kwarto ko pagkatapos kong makausap si mommy sa telepono ng dorm. Bakit kasi wala pang cellphone sa panahon na 'to? Kailangan ko pa tuloy tumakbo pababa ng reception area para lang sumagot ng tawag, hays.


-----


Kinakabahan ako. Makikita ko na naman kasi si sir Bongbong, at panigurado, dadalo din si Mayumi. Sa pagkakaalam ko, anak din siya ng senador eh, narinig ko kila Sonya.


Mabuti nalang confident naman ako sa dilaw kong pleated dress at galing na rin ang daplis ng bala sa braso ko, no need na mag-arm sling.


Habang nasa biyahe na kami papunta sa malacanang, napatingin ako sa regalo ko kay sir Bongbong. Iniisip ko tuloy kung magugustuhan niya ba 'tong regalo ko. Feeling ko talaga ang cheap ng binili ko. Bakit kasi necktie pa ang naisip kong bilhin?


Feeling ko naman kasi bagay 'to sa kaniya eh. Kamukhang-kamukha kasi ng design ng necktie na 'to 'yung regalo ko din kay daddy nung birthday niya na sinuot niya pa sa moving up ko nung grade 10.


"I'm glad to see you once again, Mrs. Aquino." bati sa amin ni manang Meldy at isa-isa kaming niyakap.


"I am more glad to see you, Mrs. Marcos. Thank you for inviting me and my family once again." bati rin ni mommy kay manang Meldy.


Naiwan naman si manang Meldy sa entrance dahil mukhang siya ang sumasalubong sa mga bisita. Pagkapasok naman namin ng malacanang ay agad kaming in-escort papunta ng cruise dahil doon daw gaganapin 'yung event. Shala, ang sosyal ha.


Pagkapasok namin sa mismong event place, natanaw ko agad si sir Bongbong at President Marcos na nag-aasikaso ng mga bisita habang nakaupo lang sina tita Irene at sen. Imee.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon