Special Chapter: Dulo ng Hangganan

396 31 77
                                    

Author's Note:


Nagpapasalamat akong muli dahil sa patuloy na pagsuporta niyo sa munti kong sulatin, huhu. Sobrang laking bagay ng mga pag-vote at pag-leave niyo ng comments sa mga kabanata. Mahigit apat na buwan na rin nang matapos ko itong libro na 'to at bago ko sundan ng panibagong special chapter. Sana ay ma-enjoy niyooo! Last na i2, ha? ^-^


Follow niyo na din ako sa IG ko hehe (_lunassey), hmu there !!


DISCLAIMER: LONG CHAPTER AHEAD.


-----


Napahigpit ako sa pagkakakapit ko sa unan habang nakaupo sa sofa at nakatulala lang sa lapag ng ilang minuto. Nang ini-angat ko naman ang ulo ko para tignan siya ay tumango-tango lang siya sa mga sinasabi ko habang patuloy na pinipindot ang ballpen na hawak-hawak niya.


"So, what happened, my dear?"


Napaiwas naman ako agad ng tingin sa kaniya at napatingin sa kalendaryo na nakapatong sa table ng room. Ibinalik ko rin ang tingin ko sa kaniya at huminga nang malalim bago kumibo at magpatuloy sa sinasabi ko.


"I have left them. I left him." maikling tugon ko.


Tumango-tango naman siya ulit para ipakitang naiintindihan niya ang sinasabi ko. "Uh-huh, uh-huh." panimula nito at may sinulat na ulit sa papel na bitbit-bitbit niya. "Why did you left them? Or him?" dagdag na katanungan nito.


"I died." maikling panimula ko at napakamot nalang sa ulo ko. "I came back, but I'm three decades late." natatawang sabi ko habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.


Ilang segundo rin na hindi kumibo ang therapist ko at pinagpatuloy lang ulit ang sinusulat niya. "My dear, I am very confused. But I will always try to understand what you are feeling. Can you give me more information about it?" tanong pa nito.


Napaisip naman ako bago siya naisipang sagutin. Nakita ko naman siyang dahan-dahan at hindi pahalatang sinisilip ang orasan, tila ba binabantayan kung lumalagpas na ba ako sa oras ng appointment ko sa kaniya. Bago pa man ako magsalita ay pinakita ko sa kaniya ang suot-suot kong hairbow.


"I can't let go." panimula ko. "Para akong multong naliligaw at naghahanap ng hustisya sa mga unfinished businesses ko. Kagaya nila, may mga gusto pa akong bagay na makamit na sigurado ako ay magbibigay na ng katahimikan sa akin. It's been two years." dagdag ko pa sabay tingin sa kalendaryo na nakapatong sa table.


Date Today: July 8, 2024


"What seems to be the reason that ties you from moving on?"


"Him." panimula ko at malungkot na ngumiti. "Everybody moved on. But here I am, still right here, waiting for him." dagdag ko pa.


August 10, 2024


Nanonood lang ako ng balita habang nags-scroll lang sa social media accounts ko. Magpapasukan na rin kasi ulit at magiging busy na ako ulit sa studies ko. Nag-take din kasi ako ng course na stressful eh, hahahaha. Journalism, same as Corazon.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon