Hindi ko alam pero nababanas talaga ako 'pag naalalang sa harap ko pa sila naglalandian. Nakakaloka, ang payapa ng buhay ko kasi kanina tapos dun pa nila naisip maglandian, mga shutangina!
"Corazon, pumili ka na ng ulam." pagpapaalala sa akin ni Sonya nang mapansin na hindi pa din ako kumukuha ng pagkain tapos ako na 'yung sunod sa pila.
Tumango nalang ako bilang tugon at kumuha ng sandamakmak na pinakbet. Tinignan naman niya ako na may labis na pagtataka. "Huh? Hindi mo 'yan gusto diba?" nagtatakang tanong nito.
"Paborito ko 'to!" insist ko. "Gustong-gusto ko!" dagdag ko pa at tsaka kumuha ng kaunting kanin at hindi na pinansin ang iba pang ulam.
Kasama ko namang kumain si Ella, Sonya, at Florence ng hapunan. Ewan ko pero parang gutom naman ako. 7 pm talaga ang hapunan nila, parang late para sakin pero okay.
"Ano, Corazon? Masaya ba dito? Nakakatuwa kasi may roommate kami na isang Aquino ah!" natutuwang bida ni Ella.
Tinawanan ko nalang sila at nagpatuloy na sa pag-kain. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na Aquino daw ako kuno. Naubos ko agad ang pinakbet. Masarap naman pala siya, lalo 'pag galit ka, chariz.
Pagkatapos naman naming kumain ay dumiretso nalang ako sa library ng dorm kasama nila para magbasa. Wala din naman kaming pinagkaka-abalahan sa buhay kaya sinama na din nila ako sa tambayan nila.
Lumipas na din ang oras at bumalik na kami sa kuwarto namin para sa attendance checking tuwing 9 pm ng gabi. Nakatulog din ako agad dahil sa pagod kahit na pinuputakte ako sa panaginip ko ni BBM at nung Mayumi.
June 11, 1985
Same routine, different subject orientation lang. Ganun pa din kasi hindi naman lahat ng subject ay na-meet namin yesterday.
Lumipas na ang araw at pagkatapos ng klase ay napagpasiyahan nalang namin ni Sonya na manghiram ng libro.
Sa pagkakaalala ko, namili lang ng pasalubong ulit si Ella at Florence para sa family nila kaya kaming dalawa lang ni Sonya ang magkasama ngayon. Uuwi din kasi sila Ella at Florence dahil wala namang pasok kinabukasan. Simula May pa kasi sila nasa dorm dahil kailangan ang mga student officers sa pagreready para sa panibagong school year.
Maiiwan si Sonya, na taga-Manila lang naman at kauuwi lang sa kanila kaya hindi nalang daw siya uuwi dahil isang araw lang naman at mapapagod lang siya.
Pagkatapos namin magbasa ni Sonya ay dumiretso naman kami sa CR pagkatapos para maglinis ng katawan. Pagbalik naman namin sa kuwarto namin ay 8:40 pm na. Malalim na ang gabi pero hindi pa din kami mapakali ni Sonya dahil wala pa din sina Ella at Florence hanggang ngayon. Malapit na mag-9 pm at wala pa din sila, ilang minuto nalang ay attendance checking na.
"Sonya, bakit wala pa sila?" mahinang bulong ko na nag-aalala na.
Nakapuwesto ang kama ko sa pinaka-likod sa kaliwang bahagi ng kuwarto. Nasa tapat naman siya ng higaan ko at ang dalawa ay nasa unahan namin.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...