Kabanata 10

211 28 10
                                    

Author's Note:


With prior notice, I changed Corazon's course to Journalism (Political Science before) for future purposes. Thank you!


-----


Napatigil ako dahil sa ngiti niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Jowa n'ya 'yon eh, tanga ka ba, syempre hindi.


"Dalian mo at umakyat ka na sa kuwarto mo. Ikaw din, Mayumi." malumanay na utos ni Mrs. Charlyn.


Sumunod si Mayumi sa utos ni Mrs. Charlyn at umakyat na. Sinubukan ko ding maglakad pero wala talaga. Napansin ako ni Mrs. Charlyn kaya napa-iling nalang siya at inalalayan ako hanggang makarating kami ng kuwarto.


"Sa susunod, hindi na kita papapasukin, Corazon." sambit nito bago ako iwan sa kuwarto namin. Gulat na gulat naman akong tinignan nila Ella, Sonya, at Florence. Agad akong nilapitan ni Florence tsaka inalayan maka-upo sa kama ko.


Umupo din siya sa tabi ko. "Pasensya ka na talaga, Corazon. Hindi ko talaga balak iwan ka kanina, kaso ang kulit mo eh!" maktol nito tsaka ako niyakap.


Tinawanan lang kami nina Ella at Sonya tsaka nagsi-higa na sa kaniya-kaniyang kama ang dalawa.


"Okay lang, ano ka ba. Sabi sa'yo, ako bahala kay Mrs. Charlyn eh!" patawa ko at marahan niyang hinampas ang balikat ko.


"Paano ka pala pinapasok ni Mrs. Charlyn? Jusko, kung sa'min 'yon, bubulukin niya lang kami sa labas nang mag-tino kami." sabi ni Ella at tumawa, tumawa din naman sila.


Habang nagtatawanan naman sila nakita naman ni Florence ang sugat ko sa siko at tuhod. "Corazon! Anong nangyari? Ba't ka may sugat?" nag-aalalang tanong nito.


Agad naman akong napaiwas ng tingin sa tuhod ko nang maalala na may sugat pala ako. "Wala 'to... teka, punta lang ako sa CR." paalam ko sakanila at mabilis na lumabas ng kuwarto.


Dumiretso agad ako sa CR, walang katao-tao at madilim na. Haluh, natatakot tuloy ako tumuloy. Binilisan ko lang ang lakad kahit sobrang sakit talaga ng paa ko. Wala akong balak mamulto ngayong gabi, mas lalo akong 'di makakatakbo 'no. Habang naglalakad naman ako ay nakasalubong ko si Mayumi.


Nataranta siya nang makita ako. Napansin ko naman na parang tinago siya sa likod niya at ngumiti sa akin pagkatapos.


"Corazon, bakit gising ka pa-" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya nang makita niya ang tuhod at siko ko na may mga galos. "Hala! Anong nangyari sa'yo?" agad naman niyang kinuha ang braso ko.


"Ms. Mayumi, okay lang po. Huhugasan ko lang. Papunta na nga ako sa CR." kalmadong sabi ko at dahan-dahan na tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak niya sa braso ko.


"Anong okay? Sumama ka sakin, madaming band-aids sa clinic." sabi nito at agad na nagsimulang maglakad.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon