Kabanata 30

220 32 16
                                    

November 11, 1985


After ng ilang oras na pagdidiskasyunan namin ni mommy, hinayaan na niya akong manatili sa dorm. Ang kapalit nga lang, magpapadagdag siya ng guards sa dorm. Ayos naman ako dun, ayoko rin namang mamatay nang maaga.


"Don't forget to call me when you get there. Call me everyday, okay?" utos nito sa akin bago ako magpaalam.


Niyakap ko naman si ginang at Kris bago sumakay ng sasakyan. "Kailangan mo pa ba talagang manatili sa dorm? Puwede ka naman dito..." nag-aalalang sabi sa akin ni ginang habang nakayakap sa akin.


Tumango naman ako at ngumiti. "Ayos lang po, mag-iingat naman po ako."


-----


Bago pa man ako makapasok ng main entrance, sinalubong na ako agad nila Sonya na alalang-alala sa akin.


Pinaliwanag ko sa kanila na ayos naman na ako at wala nang dapat pang ipag-alala.


Binabalak ko munang pumasok sa lahat ng subject ko ngayong araw dahil sobrang dami na rin akong na-miss. Although, hindi naman dapat ito 'yung ipinag-aalala ko, nanghihinayang din ako sa grades ko, 'no.


Huling subject na papasukan namin ni Sonya si Mayumi. Ilang araw ko na nga rin siyang hindi nakikita. At sa totoo lang, natatakot rin akong makita siya.


"Corazon, kanina ka pa tulala. Ayos ka lang ba talaga? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod at nag-aalalang tanong sa akin ni Sonya.


Napa-iling naman ako at ngumiti. "Madami lang akong iniisip, pero goods naman kahit nahihilo ako bahagya." sagot ko sa kaniya at inayos na ang mga librong dadalhin ko.


Pagkapasok ko ng classroom, agad na bumungad sa harap ko si Mayumi. Nakaupo lang siya sa desk niya sa likod ng room habang nagbabasa ng libro.


"Magandang hapon, ate Mayumi!" masiglang bati ko sa kaniya.


Kailangan ko rin kasing panindigan na wala akong naaalala sa mga nangyari.


Gulat at nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "Oh... Corazon, good afternoon din..." kabadong sagot nito at ngumiti. "Ayos na ba ang lagay mo? Mabuti pumasok ka na ulit..." dagdag pa nito at tumango naman ako bilang tugon.


Halatang-halatang guilty ka sa ginawa mo sa'kin, Mayumi.


Nagsimula na ang klase namin na tungkol lang halos sa pagsusulat pa rin ng news article. Hindi naman ako gaanong nahirapan kahit nahuhuli ako dahil na-topic na namin halos nung grade 12 ako 'yung tinuturo ngayon.


Natapos ang klase namin na hindi ako naisipang tignan sa mata ni Mayumi. Sa ngayon, binabalak ko lang maging tahimik sa mata niya kaya hindi ako gagawa ng ikakapagtaka niya.


Nang matapos na ang klase, naisipan kong magpaiwan muna para kausapin siya.


Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon