Kabanata 24

190 33 16
                                    

September 11, 1985


Isa sa mga bagay na kinakatakutan ko sa mundo na ginagalawan namin ni ginang ay ang pagkakaroon ng walang sapat na kaalaman sa mga nangyayari sa paligid namin. Ilang araw na akong nagpapatay-malisya kay Mayumi at ilang araw ko na ring sinusubukan na magkaroon ng mapayapang buhay sa mundo nila.


Natigil ang mga iniisip ko nang biglang pumasok ng kwarto namin si Sonya.


"Corazon, nand'yan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap eh." sabi nito at agad na binaba ang mga gamit niya sa higaan niya.


"Katatapos lang ng klase natin ah. Bakit niyo pala ako hinahanap?"


Nang matapos niya naman ligpitin ang gamit niya ay lumapit siya sa higaan ko. "Wala lang... hindi mo ba alam?" nagtatakang tanong nito sa akin.


"Alam ko." maikling sagot ko nalang at nagtaklob ng kumot sa mukha. "Birthday ni president Marcos." dagdag ko pa.


Agad naman niyang hinitak ang kumot ko. "Eh ano pang ginagawa mo d'yan?? Hindi ba kayo imbitado sa friday? Mamili tayo ng damit mo today!" utos nito sa akin tsaka ako hinitak patayo sa higaan ko.


"Hindi ako imbitado." masungit na sagot ko na agad na ikinabitaw ng pagkakahawak niya sa akin.


"Ha? Bakit hindi? Soon-to-be Marcos ka na ah-" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at tinakpan ko na ang bibig niya.


"Matutulog muna ako, kanina pa akong alas-sais ng umaga gising." masungit na sabi ko tsaka ako nagtaklob ulit ng kumot.


Wala talaga akong balak pumunta kahit kalat na kalat ang poster sa Norte ngayon na birthday ng tatlong Marcos. Si President Marcos ngayong 11, si sir Bongbong sa 13, at si tita Irene sa 16. Magkakadikit pa silang September 11, 13, at 16.


Paanong hindi ko malalaman na birthday nila eh kahit sa'n ako magtungo, naka-display ang mukha nila.


Isa pa, hindi naman niya ako sinabihang pumunta. Si mommy lang naman ang nag-iinsist na pumunta kami sa friday dahil inimbitahan pa din kami ng pamilya nila.


Hindi ko pa kaya nakakalimutan 'yung pang-rereject sa akin ni sir Bongbong nung mga nakaraang buwan. Kahit na feeling concerned siya lately, wala naman sa kaniya 'yun. Mabuting tao lang siguro talaga siya kaya siya ganun maki-tungo sa lahat.


Tutulugan ko na sana ang mga tumatakbo sa isip ko nang biglang may nagtanggal ulit ng kumot na tinaklob ko sa sarili ko.


"May ipapagawa daw sa'yo si Ms. Mayumi-" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Sonya nang tumayo ako agad sa kama ko.


Agad ko siyang hinitak palabas ng kuwarto namin na ikinagulat nito. "Actually, mamimili ako ng damit for today dahil ang coping mechanism ko ay mag-shopping." agad na sabi ko at inaya siyang mamili nang hindi nakakatanggi.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon