Kabanata 8

215 30 22
                                    

Nakasakay lang ako at naghihintay sakaniya ngayon. Natagalan din siya bago bumalik, pero bago siya sumakay ay nakita ko munang lumapit siya sa dalawang batang nanlilimos. Inabutan niya ito ng food na satingin ko ay tinake-out niya.


Kaya ba siya nagtagal ay dahil bumili pa siya ng pagkain para sakanila?


Hindi ko alam pero biglang lumambot ang puso ko sa nakita ko. Tinitigan ko lang siya habang pinapanuod na kumain ang mga bata. Pagkatapos ay niyakap niya muna ang dalawang bata bago umalis. Pagkapasok niya sa sasakyan ay nakatitig lang ako sakaniya.


Mukhang mabuting tao talaga siya. Nakikita ko sa mga mata niya.


"What?" nagtatakang tanong nito at napaiwas naman ako agad ng tingin nang matauhan ako.


Ewan ko, pero sobrang bilis na talaga ng tibok ng puso ko. Gaga, Ali. Ano na namang kabalbalan 'tong nararamdaman mo? 'Wag mong sabihin na nagugustuhan mo 'yan?


-----


"Ate, bakit ang bilis n'yo naman bumalik ni kuya Bongbong? Isang oras pa lang ah?" nagtatakang tanong ni Kris nang salubungin niya ako pag-uwi.


"Huh? 'Di ba lunch lang naman? Ano pa bang gagawin namin-" hindi ko na natapos ang isasagot ko sakaniya nang bigla siyang tumawa.


"Omg! Kayo ah, anong gagawin niyo?" sabi nito at tumawa pa. "Ano kayang ship name niyo? BongLeni, LeBong?" dagdag pa nito at namatay sa katatawa.


Inirapan ko lang siya. "Kadiri ka! Anong BongLeni, LeBong ka diyan!"


Nanonood lang kami ni Kris ngayon ng tv dahil wala naman kaming ibang gagawin. Wala naman masyadong papanuorin kasi controlled lang pinapalabas sa tv dahil martial law sa panahon na 'to. Kaboryo talaga nga naman. Iniwan ko nalang si Kris na nanunuod at umakyat sa kuwarto ko para tumambay.


Pagkapasok ko ng kuwarto ko ay nakita kong may newspaper na nakapatong sa kama ko. "Ano 'to?" nagtatakang tanong ko sa sarili. Agad ko namang kinuha ang newspaper at binasa ito.


"WHAT THE F!" sigaw ko nang makita kung ano ang nasa front page. "ANONG GINAGAWA NI BBM DITO?" nagtatakang tanong ko.


Agad ko namang narinig si ginang na pumasok ng kuwarto ko, panigurado dahil sa sigaw ko. "Huy, Ali! Anong problema mo-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang makita ang newspaper sa kamay ko. "Hala, governor nga pala siya sa panahon na 'to." kalmadong sabi nito at inagaw ang newspaper sa akin.


"Bakit parang hindi ka po nagulat? Hindi ka po ba kinakabahan?" nagtatakang tanong ko nang makitang kalmado lang siya. Agad naman niya akong tinawanan.


"Hindi mo 'to nabasa sa libro 'no? Ay naku, binanggit ko 'to sa klase ko ah. Ikaw ah, hahahaha!" sagot nito at tinawanan lang ako tsaka ibinalik sa akin ang newspaper. "'Wag mo na kayang sundin si Cory? Kung tutuusin, hindi ako sang-ayon sa ginagawa mo, Ali." biglang-seryosong sagot nito sa akin.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon