"Thank you, mahal ko. Just thank you-"
Hindi na rin niya ako pinatapos sa sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang bewang ko at nilapit sa kaniya. Seryoso niya lang akong tinitigan.
"Mahal ko-"
Hindi na niya ako pinasalita pa at agad akong hinalikan habang ang dalawang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa bewang ko.
The kiss was so intense I can't even match his lips. Nang mapansin niyang hindi ako makasabay sa halik niya, dahan-dahan niyang pinutol ang halik at tumingin sa akin.
Napangiti naman ako at tumango. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin pero hindi ko na 'yun pinansin at ako na mismo ang nagtuloy ng halik namin kanina.
The kiss lasted so long that I even forgot how to breathe. It was an intense one.
Dahan-dahan naman akong napalayo sa kaniya nang magsink-in lahat sa utak ko ang nangyari.
Hindi ko alam kung kikiligin ba muna ako or mahihiya ako kasi hindi ko natapatan 'yung halik niya, huhu.
Tumingin naman siya sa akin at napangiti. "What?" tanong nito at tumawa patago.
Patuloy lang ako sa paglayo sa kaniya at nagpunta na sa CR para magbihis at maglabas na rin ng saloobin.
Gusto ko talagang sumigaw. Ewan ko na, nababaliw na ata ako. Hanggang ngayon kasi, ramdam na ramdam ko pa din 'yung hawak ng kamay niya sa bewang ko. Tapos, 'pag pipikit ako, nakikita ko 'yung paghalik niya sa'kin.
Pagkatapos ko magbihis, napatingin naman ako sa salamin. Suot-suot ko kasi ngayon 'yung extra polo niyang three-fourths na pink. Ang nipis ata ng damit niya masyado, huhu. Pero pansin ko lang, mahilig talaga siya sa three-fourths na polo, 'no?
Pagkalabas ko ng CR, naabutan ko naman siyang nagsusulat ng kung ano sa desk niya. Napatingin naman siya sa akin nang matapos na ako magbihis.
"Bagay pala sa'yo," panimula nito at ngumiti. "Hatid na ba kita sa inyo?" tanong naman nito at akma nang tatayo para kunin ang susi ng kotse niya.
"I'll stay with you. Okay lang po ba?" tanong ko at hindi na hinintay pa ang sagot niya tsaka umupo sa sofa.
Bumalik naman siya sa pagkakaupo niya at nagsimula na ulit na magsulat sa desk.
"Tapusin ko lang 'tong mga natitirang paperworks tapos ihahatid na kita sa dorm." presinta nito habang patuloy lang sa pagsusulat at hindi tumitingin sa akin.
Tumango nalang ako at kumuha ng diyaryo sa table tsaka nagbasa. Napatigil naman ako sa pagbabasa nang biglang sumagi ang mata ko sa puwesto niya.
Oh my god ka, Ali. Normal pa bang 'pag nakikita ko siya, halos mag-tumbling na lang 'yung mga laman-loob ko sa tiyan.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...