"Magandang hapon po, sister." bati ni sir Bongbong sa head ng orphanage.
"Magandang hapon din po-" hindi na natapos pa ni sister Stella ang sasabihin niya at nagsalita na ulit. "Galing po kayo ng kasal?" curious na tanong nito.
Nakita ko namang napangisi si sir Bongbong at napakamot nalang ng ulo. "Opo eh. Aampon na sana po kami ng anak." gatong naman nito.
Gulat naman akong tinitigan ni sister Stella na para bang ready na akong yakapin para i-congrats. "Ay hindi po, binibiro lang po kayo n'yan!" nahihiyang sabi ko at pilit na tumawa.
Sinalubong naman kami ng iba pang madre at pinapunta muna kami sa office ni sister Stella para hintayin si Ali. Kumakain pa kasi sila ng hapunan nila since ganitong oras daw nila sineserve 'yung hapunan ng mga bata.
"Mahal ko, sa tingin mo..." panimula nito na nagpabaling ng pansin ko sa kaniya. "Hiramin kaya muna natin si Ali ng isang araw?" tanong naman nito sa akin.
Ngumiti naman ako. "Gabi na, mahal ko. Puwede pa ba natin maigala si Ali?"
Napatigil naman kami nang biglang pumasok si sister Stella. "Sa makalawa pa naman siya makukuha since 'di pa ayos papeles ng bata." singit nito at umupo na sa harap namin kasama si Ali. "Puwede niyo pa naman siguro siya iuwi." natatawang sabi nito.
Bigla namang tumakbo papunta si Ali kay sir Bongbong at sinalubong siya ng yakap. "Daddy, daddy, daddy!" masiglang bati nito kay sir Bongbong.
Niyakap naman siya pabalik ni sir Bongbong tsaka binuhat. "Kamusta na ang batang itooo?" tanong ni sir Bongbong na pa-baby talk pa. "Na-miss mo ba kami ng ate Corazon mo?" dagdag pa nito.
Tinawanan ko naman siya dahil sa way ng pagtatanong niya. Ang cute lang kasi hindi ko maisip na magagawa niyang magbaby talk. Parang timang lang, ang sarap sapukin, pero ang cute din niya at the same time.
"Ali missed you both!" masayang sagot nito at bumaba na sa buhat ni sir Bongbong tsaka naman yumakap sa akin. "Ali loves mommy!" bati naman nito sa akin.
Niyakap ko rin naman siya pabalik. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko parang may mali kay Ali. I mean, super comfortable lang din siguro ako dun sa bata kaya ako ganito. Isa pa, kapangalan nga din niya si mommy, Alicia din siya, hahaha. Pero ang familiar din kasi ng scent niya sa'kin, hindi ko alam kung saan ko naaamoy pero familiar talaga.
"Ate Corazon missed you too!"
Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa akin tsaka bumalik kay sir Bongbong. Parang sobrang gaan na ng loob nila sa isa't-isa ah. No wonder malungkot si sir Bongbong nung nalaman niyang may kukupkop na sa bata.
"Paano ba ito, sister? Hiramin lang po sana namin ng asawa ko 'yung bata ng isang araw lang." biro ni sir Bongbong at nag-act pa na itatakas na niya si Ali kila sister.
Tumawa naman si sister at sa hindi inaasahan, tumango naman siya bigla. "Ibalik niyo agad 'yung bata kinabukasan." sabi nito na ikinagulat naming dalawa ni sir Bongbong.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...