August 27, 1985
Alissa Hernandez / Leonora Corazon Aquino
"Corazon, hindi ka ba talaga sasama? Minsan lang naman tayo um-attend ng blind date eh!" pilit ni Ella sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng dorm.
"Eh! Ginawa mo na ngang hobby 'yan. Nung nakaraan lang, jowa mo 'yung sundalo ah??" nagtatakang tanong ko naman. Agad naman siyang napaiwas ng tingin kaya natawa kaming tatlo sa kaniya.
Halos dalawang buwan na ang nakalipas simula lahat ng nangyari. Although hindi kami nagkikita at patuloy ko pa ring iniiwasan siya, at ang pamilya niya, hindi pa din tapos ang problema.
"Tigilan niyo nga si Corazon! Ikakasal na nga 'yan sa December eh!" galit na sabi ni Sonya nang makitang hanggang ngayon ay pinipilit pa rin ako ni Ella.
Yup, hindi pa din tapos ang problema. Hindi ko kayang sabihin kay mommy na hindi ko na itutuloy pa ang kasal. Hindi ko nga lang alam sa side ni sir Bongbong, kung ano bang ganap. Hindi na din sila nag-iinvite ng family dinner, baka sa side ko nalang talaga ang problema.
"Hindi naman natin ipapaalam kay Gov. Bongbong eh!" depensa naman nito.
Tinawanan ko lang sila dahil wala din akong balak sabihin sa kanila kung ano ba talaga ang nangyayari. Sapat na siguro 'yung kasama ko silang nagtatawanan.
Sa totoo lang, ngayon ko lang naranasan magkaroon ng mga kaibigan. Mayroon naman ako dati, hindi nga lang kami nagkaintindihan dahil pare-pareho kaming competitive. Nagbago lang naman lahat simula nung nag-moving up ako na valedictorian. Nawala silang lahat. At si Krystal lang ang naiwan.
-----
Nasa library lang kami ngayon ni Sonya, nagbabasa ulit ng panibagong issue na gagawan namin ng news report. Wala kaming pasok sa second subject namin kaya naisipan nalang namin tumambay at dito na magsulat para mabawasan manlang ang gawain namin.
Hindi naman kami nawawalan ng gawain araw-araw dahil tinatambakan din kami ng sulatin kaya hindi ko na rin namamalayan pa ang araw at oras.
"Corazon, saang party kaya mas tamang gawan ng perspective?" tanong nito habang tuloy pa din ang pagbabasa.
"Bawal bias media ha!" biro ko at tumawa nang mahina. "Pero kasi, I think both sides are wrong talaga. 'Yung nagrarally that time kasi ang nagsimula ng gulo by throwing stones sa mga patrolling soldiers. What makes it more complicated is that we really have no idea what the soldiers did to them after." sagot ko at napakamot nalang sa ulo tsaka bumuntong-hininga.
"Well yes, pero kasi sabi ni Mrs. Meden, much better if tapusin na natin mismo 'yung issue eh." panimula nito na mas ipinagtaka ko. "You know, we just make their own endings." dagdag nito.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Their own endings?? What do you mean?!" galit na tanog ko na agad niyang ikinagulat.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...