"Ken?"
Biglang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang first love ko. Si Ken. Ang una at huling minahal ko, ni Alissa.
"Corazon, okay ka lang?" hindi nito pinansin ang tanong ko at dahan-dahan akong tinayo. "Halika na." dagdag nito.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinitak na paalis ng puwesto namin. Napatigil naman ako nang may humawak sa kabilang kamay ko. "Where are you taking my fiancee?"
Lumapit siya kay sir Bongbong at tinanggal ang kaliwang kamay niya na nakakapit sa akin. "I'm her fiance." madiing sagot nito at hinitak na ako paalis.
Nang mapansin ko na nakalayo-layo na kami sa kanila, agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ken?? Anong ginagawa mo dito??" nagtatakang tanong ko.
Agad naman niya akong nilingon at tinignan din na may halong pagtataka. "Ken?" tanong din nito sa akin.
Magtatanong pa sana ako ulit pero biglang dumating si mommy. "Roland! Anong ginagawa mo dito?! Baka may makakita sa'yo!" galit na sabi ng mommy.
"Pasensya na po, may nangyari lang. Mauna na po ako." sagot nito at mabilis na tumakbo at nawala na parang bula.
"What are you doing here?! Paano nalang kung may nakakita sa inyo?!" dagdag pa ni mommy at agad akong hinitak papasok ulit ng malacanang.
Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Sigurado akong si Ken 'yung nakita ko kanina. Kamukhang-kamukha niya, pati tindig at boses. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yun eh!
"I told you to be careful, Corazon." mahinang bulong nito sa akin tsaka ako dahan-dahang pinisil sa braso. "I will never let anyone ruin my plan again." dagdag pa nito at binitiwan na ang braso ko.
Napa-aray nalang ako sa sakit. Sobrang higpit ng pagkakapisil niya sa braso ko kaya agad itong namula. Galit na galit talaga ang mommy dahil sa nakita niya, pero bakit? Sino ba talaga 'yung lalaking 'yun?
Nang sinalubong kami ulit ni Kris at ginang ay ngumiti nalang ako. "Where have you been, ate?" tanong ni Kris at pinaupo na ako sa table nila.
"I went to the restroom." matipid na sagot ko pero hindi siya kumbinsido sa sinagot ko sa kaniya.
Magtatanong pa sana siya pero bigla nang dumating ang mga Marcos sa table namin. Napatayo naman kami agad ni Kris. "We really hope you enjoyed the party tonight." sabi ni manang Meldy at bumeso kay mommy.
"We're genuinely happy to be with you. Let's always be this open to each other. Magiging isang pamilya din naman tayo, after all." sagot naman ni mommy at dahan-dahang tinapik ang likod ni manang Meldy.
"Thank you too, Corazon, Kris, and Mrs. Villaruel." dagdag pa ni manang Meldy at niyakap kami isa-isa.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...