Kabanata 28

179 31 13
                                    

November 6, 1985

Ginang Leonida Villaruel


Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ko nang bigla kong naramdaman na may gumalaw sa kama.


Pagkaangat ko ng ulo ko ay nakita ko agad si Ali na sinusubukang gumalaw mula sa pagkakahiga niya.


Masaya at nag-alala ako agad sa paggising niya. "Ali! Ali! Gising na si Ali!" sigaw ko na nagpagising rin kay Cory at Kris.


Agad na nagsi-datingan ang doctor at mga nurse para check-up-in ang lagay ni Ali.


Lagpas isang buwan na siyang tulog simula ng nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa din natutukoy ang salarin. Kasabay ng pag-asang magising si Ali ay kasabay rin nito ang lagpas isang buwan na pagiging aligaga ni Cory sa paghahanap ng salarin.


Pagkatapos check-up-in ng doctor si Ali ay agad kaming lumapit sa kaniya.


Sinabi ng doctor na maaaring hindi muna makalakad ng isa o dalawang araw si Ali dahil isang buwan mahigit din siyang under comatose. Isa pa sa nasabi ng doctor na hindi rin daw imposibleng magkaroon siya ng temporary amnesia dahil sa damage na nangyari sa brain nito.


Naiiyak na sinalubong agad ng yakap at halik ni Cory si Ali habang umiiyak naman sa tuwa si Kris.


"Honey! Honey, you're finally awake! Thank God you woke up... I love you... so much..." naiiyak na sabi nito at dahan-dahang hinalikan si Ali sa noo.


Lagpas isang buwan na rin akong walang tulog kaiisip kung ano pa ang magagawa ko kung talagang may masamang nangyari kay Ali. Hindi ko na kakayanin pa.


"M-mommy..." mahinang sabi nito habang nakahiga lang at hindi makagalaw.


"Yes, honey? Say it..." sagot ni Cory sa kaniya na naluluha habang hinahaplos nito ang noo ni Ali.


Napahawak naman kami ni Kris sa magkabilang kamay ni Ali. Salamat sa Diyos at hindi pa niya oras...


"W-what is... the date today?"


Nagtataka akong napatingin sa kaniya. May ala-ala siya... tama ba ako?


Agad akong lumapit sa tabi niya na ikinagulat ni Cory at Kris. "Ali... narito pa rin tayo..." bulong ko sa kaniya.


Nagtaka naman siya sa sinabi ko. "Huh? I mean... where are we?" nagtatakang tanong nito at bumaling kay Cory. "M-mommy..."


"It's November 6, honey..." sagot nito sa kaniya habang pinupunasan ang luha.


"W-what?"


"Something bad happened to you..." explain naman ni Cory at naluha ulit sa sinabi niya.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon