Alissa Hernandez / Leonora Corazon Aquino
"D'yan na lamang po kayo, bawal po kayo pumasok rito." pigil sa akin ng nurse.
Napatigil nalang ako sa tapat ng emergency room at halos mapa-upo sa takot at kaba. Naiwan lang kami nila Sonya at ng iba pang sundalo sa labas ng operating room.
Nilapitan naman ako agad ni Sonya at pinakalma. "He'll make it, Corazon." pagpapakalma nito sa akin at hinagod ang likod ko.
"Please... this shouldn't be the end of us." panimula ko at humagulgol. "Hindi dapat ganito ang mangyari... hindi dapat sa ganito matapos ang kuwento niya...." dagdag ko pa.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa niya oras. Hindi dapat ganito ang maging wakas ng kuwento niya.
Please, mahal ko, lumaban ka.
Hindi pa din matanggal ang kaba sa puso ko habang hinihintay ang resulta ng paggamot sa kaniya ng mga doctor. Napatingin naman ako sa mga kamay kong puno ng dugo ni sir Bongbong.
"Corazon, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sonya habang patuloy lang sa paghagod ng likod ko.
Tumango lang ako at pinunasan ang luha ko. "Hindi niya pa oras, Sonya. Hindi pa siya puwedeng sumuko..." daing ko at napatakip nalang ng bibig sa sakit ng nararamdaman ko.
Hinagod niya lang lalo ang likod ko tsaka ako dinamayan. "Magtiwala tayo sa Diyos, Corazon."
Napahagulgol ako lalo sa sinabi niya. "H-hindi puwedeng ako ang maging dahilan ng pagbabago ng future niya..."
Napadasal nalang ako sa mga naiisip ko. Alam kong hindi ako naging mabuti at perpekto, pero alam kong mapagpatawad ang Ama. Siya lang ang makakapitan ko...
Napatigil naman kaming lahat nang biglang lumabas ang doctor mula sa operating room. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila nang malaman kung ano na ang lagay ni sir Bongbong.
"He's still on his critical stage. He lost so much blood." panimula nito na ikinabahala ko. "However, we can assure you that we'll keep you updated after the operation." dagdag pa nito at umalis na.
Napa-upo nalang ulit ako at humagulgol. Mahal ko, gumising ka. Hindi mo pa oras.
-----
"Bongbong! Bongbong!"
Napatigil kaming lahat nang makita namin si president Marcos at manang Meldy na tumatakbo papasok ng operating room.
"It is strictly prohibited to enter-"
Hindi na pinatapos ni president Marcos ang nurse at agad na pumasok sa operating room. Ilang segundo lang ay lumabas na rin sila at napatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...