Kabanata 48

272 30 101
                                    

Third Person Point of View


"I saw ate writing something last night." panimula ni Kris at napayuko nalang habang kausap si Cory.


"What was she writing, honey?" kinakabahang tanong nito at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Kris. Hindi naman umimik si Kris at patuloy lang na yumuko. "Come on, tell me." pilit pa nito.


Huminga naman siya nang malalim at tumingin na kay Cory. "I saw something about exile and oust." panimula nito at kinakabahang yumuko ulit. "I think it's under her bed foam." dagdag pa nito.


Someone's Point of View


Sinabihan akong magdala pa ng mga extra storage box sa master's bedroom. Sa pagkakataong ito, naniniwala na akong hindi na biro ang mga nangyayari sa labas. Habang inaayos ko naman ang mga inutos sa akin ay narinig kong nag-uusap si President Marcos at ang first lady.


Aalis na sana ako nang bigla akong sinenyasan ng mayordoma namin na itabi lang namin ang storage box. Sa pagkakaalam ko, si President Marcos na mismo ang nag-utos sa aming dalhin ito dito.


"There are millions of Filipinos out in EDSA." panimula ni President Marcos. "This is serious, don't you think?" dagdag pa nito.


"Don't believe in those media. They are just trying to threaten you. Do you really think they would want a mere housewife to rule this country?" kalmadong sagot ni Imelda at inutusan ang isa sa mga kasamahan kong maid na ibalik na ang storage box sa pinanggalingan nito.


"Our position is threatened, Meldy! And you're out here, choosing what color of the bag matches your outfit??" rinig kong inis na sabi nito at umalis na ng silid.


"No, the premonition is done already." rinig kong bulong nito at nagpatuloy lang sa ginagawa niya. "We already won the election." dagdag pa nito.


Alissa Hernandez / Leonora Corazon Aquino


"I told you to stop already!" galit na panimula ni mommy at harap-harapang pinunit ang mga papel na sinulat ko kahapong lang. "You're not going anywhere!" dagdag pa nito at tinapak-tapakan pa ang mga piraso ng papel na nahulog sa sahig.


"But mommy-"


"I said what I said." huling sambit nito bago ako iwan sa kuwarto ko.


Hahabulin ko pa sana siya pero bigla niyang sinarado 'yung pintuan at narinig ko pang kinandado niya 'yung pinto. Kahit subukan kong gamitin 'yung doorknob ko, hindi talaga siya mabukas-bukas. Oh my god.


Dali-dali naman akong dumiretso ng balcony ko dahil 'yon nalang ang alam kong maaaring maging daan ko palabas ng kuwarto ko. Napatigil naman ako nang makita ko na nakakandado na pati ang glass door ng balcony ko. May padlock pa.


-----


Nakatulog lang ako saglit dahil sa pagod. Paggising ko naman ay napansing kong iba na agad ang ayos ng kuwarto ko. Ibang-iba na. Nakaayos na at walang kahit anong bahid ng gulo. Pagkabangon ko ng kama ko ay napansin ko agad ang reflection ko sa salamin. Iba na rin ang damit ko.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon