November 10, 1985
Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.
Ilang araw na rin ang nagdaan simula nang nabura ang mga ala-ala ni Corazon. Ni-isang araw, hindi ako tumigil na ipaalala sa kaniya lahat-lahat ng pinagdaanan namin.
Noong mga nakaraang araw, sinamahan ko siya kung saan kami unang nagkita. Sinamahan ko rin siya kung saan kami nagtungo nung nagsusulat siya ng news coverage niya na kasama ako na ginawa niyang point of view ng Norte.
Ni-isa sa mga sinubukan ko, walang nangyari. Hindi ako napapagod sa kaniyang ipaalala lahat, pero nalulungkot ako.
Nalulungkot ako na kahit isa sa mga ala-ala namin ay nabura sa isipan niya. Nalulungkot ako dahil mga ala-ala lang namin ang halos nabura.
"Sir Bongbong, saan na naman ba tayo pupunta?" naiiinip na tanong nito habang may hinahanap sa bag niya.
Napatigil naman ako sa mga iniisip ko at inayos ang seatbelt ko tsaka pinaandar ang sasakyan.
"Sa Pagudpud. Sa bahay natin."
-----
"Bahay natin?" nagtatakang tanong nito habang nililibot niya ang mga mata niya sa loob ng mansion.
Napabuntong-hininga naman ako. "Yup. Ikaw pa nga ang namili ng ibang mga gamit." panimula ko at tinuro ang mga cooking utensils sa kusina. "Kita mo 'yan? Ikaw namili ng mga 'yan kahit hindi ka naman marunong magluto." biro ko at tumawa.
Napansin ko naman siyang ngumiti rin at nilibot na ang kusina. "I know how to cook." bida nito at malungkot na tumingin sa akin.
Napatigil naman ako sa sinabi niya at lumapit sa puwesto niya. "Lasang tinola 'yung sinigang mo." biro ko.
Walang siyang naging reaksyon sa sinabi ko at nagpatuloy lang sa pag-iikot.
"Corazon knows how to cook, likes to eat vegetables, dance, play piano, play sports," panimula nito at biglang tumingin sa akin at tumigil sa pag-iikot. "Those are the things I can't do."
"What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kaniya at tumigil rin sa paglalakad.
Ngumiti lang siya sa akin at naglakad na ulit para maglibot. Magtatanong pa sana ako pero iniwan niya na ako sa puwesto ko.
Nasasaktan na ako sa mga kinikilos niya. Ang sakit-sakit tignan na sa isang iglap lang, nabura lahat ng pinagsamahan namin. Sa totoo lang, ayoko mang isipin, pero parang ibang tao na ang kaharap at kasama ko ngayon.
"Samahan kita sa taas," presinta ko at tumango naman siya.
Sinamahan ko siyang libutin ang second floor ng bahay namin. Pinakita ko sa kaniya ang bawat sulok ng kwarto, pati na rin ang magiging kwarto dapat namin. Marami pang walang gamit sa bahay dahil simula nung may masamang nangyari sa kaniya, hindi ko na rin nabantayan pa itong bahay. Nahinto na rin lahat ng pamimili namin ng gamit.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...