Kabanata 7

218 31 10
                                    

Pagkalabas ko naman ng restroom ay papunta na sana ako ng parking lot nang makita ko si sir Bongbong na may dala-dalang flowers. Anong ginagawa niya dito? Kakawayan ko sana siya dahil papunta siya malapit sa puwesto ko kaso hindi pala siya papunta sakin. Hindi ata niya ako napansin kasi nasa gilid ako ng pader? Or may ibang puntahin 'yun?


Sinalubong niya naman ang isang babae at niyakap ito nang mahigpit. "Dito lang pala kita makikita ulit. Wow, flowers? Para sa akin ba ito?" sabi naman ng babae at agad na kinuha ang flowers na dala-dala nung isa kahit hindi pa siya sinasagot.


"Sorry, medyo busy kasi lately, Mayumi-" hindi ko na narinig ang mga sumusunod na pag-uusap nila nang biglang sumigaw si Kris.


"Ate Corazon, antagal mo naman! Corazon Aquinoooo-" hindi ko na din pinatapos ang pagsigaw ni Kris at tinakpan ang bibig nito. Napa-atras naman siya nang bigla ko siyang hilahin pabalik dahil papunta na siya sa puwesto nila sir Bongbong.


Agad kong nilingon ang puwesto nila sir Bongbong at nung Mayumi. Ay, narinig nga nila. Nakatingin na sa akin ngayon 'yung babae at ni sir Bongbong na gulat na gulat.


"Hahaha. Huli pa nga ako, mare." bulong ko sa sarili at tinakpan bahagya ang mukha ko tsaka tumakbo papunta sa parking lot, hitak-hitak si Kris.


-----


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kanina. Ewan ko kung matatawa ba ako kasi nahuli nila akong nakikichismis o kakabahan ako kasi mukhang seryoso si mommy sa planong napagkasunduan namin?


Hindi ba threat 'yung nakita ko kanina? Na may girlfriend talaga siya? What if hindi talaga masunod ang plano namin? Panigurado akong madidismaya si mommy. Ayokong mangyari 'yun.


"Iha... bakit hindi ka pa kumakain ng hapunan? Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Kris. Kanina ka pa niya hinhintay eh." nag-aalalang tanong ni ginang at tumabi sa pagkakaupo ko sa kama.


Napahinga nalang ako nang malalim at sumandal sa balikat niya. "Si BBM kasi, ginang. Nakita ko siyang may girlfriend kanina sa fastfood chain. Hindi ba magiging problema 'yun?" kinakabahang tanong ko. Agad naman siyang napatingin sa akin.


"Ali, nakakalimutan mo na bang hindi naman talaga tayo taga-rito... iha, Alissa Hernandez ang pangalan mo." panimula nito at hinawakan ang mga kamay ko. "Hindi ka na ba nag-aalala na baka may mabago sa kasalukuyan kung makikisali tayo sa mga pangyayaring nangyari na noon?" nag-aalalang tanong nito.


What if mabago rin talaga ang future? Kung nasa taong 1985 talaga kami, dapat na 'ko kabahan dahil hindi naman talaga nangyari ang mga 'to noon.


"Hindi ba't walang Leonora Corazon Aquino sa future, ginang? Hindi ko nga siya nabasa sa mga libro." panimula ko. "What if ako na 'to? What if hindi na talaga tayo makakabalik?" dagdag ko pa. Agad naman niya akong niyakap nang maramdaman niyang kinakabahan na ako sa mga sinasabi ko.


"Babalik tayo, Ali. Kaya ang sinasabi ko lang sa'yo, hindi makabubuti kung makikisali tayo sakanila. Gawin mo na lang muna ang sinasabi ni Cory." panimula nito at tumayo na sa pagkakaupo. "Kung hindi magtagumpay, mabuti na rin. 'Wag na tayo makisali sakanila." dagdag pa nito at inaya na akong lumabas ng kuwarto.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon