Nanginginig na ako sa takot dahil ramdam ko ang galit niya. "Look at me. If this is part of your plan, you should have told me first..." sabi nito at biglang ngumiti.
"Po? Anong plan-" hindi ko na natapos pa ang itatanong ko sa kaniya nang bigla niya akong niyakap.
"Awww. My little me is a grown-up now! Your plan must be amazing. Don't worry, anak. OUR plan will turn out well this time. Reuniting with the Marcoses is the best way to resolve the confilcts." sagot naman nito at mas hinigpitan ang yakap sa akin. "It's true nga, you are probably the little Corazon!"
Niyakap ko nalang siya pabalik. Hindi ko alam kung ano talagang sinasabi niya, kung anong conflicts at plano ba ang meron sila. Nakakagulat naman si former pres. Cory, ang bilis magbago ng mood. Alam ko kanina, galit na galit siya?
Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin tsaka ako tinitigan na para bang hinihintay niya akong tumugon sa sinabi niya. Anong dapat na sabihin ko?
"Look at mommy." sabi nito at tinitigan ako. "Tell me what are your plans tomorrow morning, okay?" dagdag pa nito at mas lalo akong tinitigan sa mata nang mabuti. Para bang pinapa-sang-ayon niya ako.
"Y-yes po, mommy?" nag-aalangang sagot ko.
Nginitian niya ako. "Okay, goodnight. I love you, honey!" sagot nito tsaka ako sinenyasan na pumasok na sa isang kuwarto at umalis na.
Pumasok na ako sa kuwarto, kulay rosas ang pader at may malaking kama sa gitna na may kulambo sa taas. Napadapa nalang ako sa kama dahil sa pagod.
Sa totoo lang, natakot talaga ako kanina. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko dahil wala naman akong ideya sa sinasabi niya.
Pero masaya din naman ako? Never kong naranasan na masabihan ng 'I love you' o 'mahal kita' ng mga magulang ko. Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko kay former pres. Cory. Gusto ko na nga siyang tawaging mommy.
Nang ma-curious ako sa kuwarto na pinapasukan ko ay naisipan ko naman na libutin ang kuwarto. Nakita ko ang mga pictures ng buong pamilya ng Aquino, pictures ni Corazon at ni Kris, at pictures Corazon at ng former president.
Nakita ko naman ang isang certificate na nakatabi sa frame ng mga pictures. "Leonora Corazon Aquino?" hindi kaya eto ang full name ni Corazon? Kaya ba Leni tawag sa kaniya ni Kris?
Hindi talaga bagay, ayoko tawaging Leni, huhu. Cora nalang, mas okay pa eh. Naisipan ko nalang na magshower pagkatapos na mag-ikot-ikot sa kuwarto. Nagpalit na din ako ng pantulog at natulog na.
May 28, 1985
"Good morning, ate Leni! Mom's waiting downstairs with lola Leonida. We'll eat breakfast na." bati nito sa akin at lumabas na ulit ng kuwarto ko.
Nagising naman ako agad at nagtoothbrush muna bago bumaba. Pagkababa ko ay nakaupo na si ginang, Kris, at si former pres. Cory, hinihintay na lang ako.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...