February 1, 2022
"Hindi ba't forte mo ang subject na hawak ko? Bakit blanko ang huling bahagi ng papel mo, iha?" rinig kong tanong ng pamilyar na boses sa likod ko.
Humarap ako at tinignan siya. "Pinapaalala ko lang ang grado na hinahabol mo, pero pinapaalala ko din na mahalaga din na alam mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo." nginitian ko lang siya at tumingin na ulit sa field.
"Salamat po, ginang Leonida."
Pareho kaming suminghap ng sariwang hangin mula sa rooftop ng school. Hindi open sa lahat itong rooftop, pero dahil makulit ako, pinipilit ko pa din na umakyat dito.
Si ginang Leonida ang prof namin sa social sciences. Siya din ang pinaka-hindi ko gusto sa lahat ng prof na na-encounter ko. Hindi ko nga alam bakit mas magaan pa ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya kahit halos himatayin na 'ko sa way ng pagtuturo niya sa klase.
April 18, 2022
Ngayon ang graduation ceremony naming mga grade 12 students. Hindi nga lang ako kasama. Isang linggo na din ang nakalipas simula nang ma-comatose si Krystal. Nagpapasalamat pa din ako dahil hindi pa din siya bumibitaw hanggang ngayon, pero ako naman itong hirap na hirap harapin ang mga nangyari.
Alam kong hindi naging perpekto ang pagkakaibigan namin ni Krystal. Madalas kaming nagkakatampuhan. Dahil parehas kaming may pinaglalabanan na puwesto sa university na ito, iyon ang puno't dulo ng away namin palagi.
Parehas kami ng goal. Ang pinagkaiba lang, ako, nabubuhay lang sa papuri ng ibang tao, siya nabubuhay dahil sa pagmamahal ng ibang tao sakaniya.
Bumalik kami ng Paoay, Ilocos Norte dahil sa mga nangyari. Para magpalamig. Dahil tingin sa akin ng lahat ay mamamatay tao.
Hindi ko alam na gagawin talaga ni Krystal ang mga sinabi ko nung hapon na iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakapag-isip nang maayos dahil sa mga nangyari.
"Ali, kumain ka na muna." alok ng pagkain sa akin ni ate Sam.
Ngumiti ako nang bahagya at nagsimula nang kumain. Hindi ko kasalo sila mommy at daddy dahil hanggang ngayon ay galit na galit pa din sila sa akin.
Sino bang hindi magagalit? Sirang-sira na ang pangalan ng buong pamilya namin, knowing na nakaupo bilang Mayor ng Quezon City ang lolo ko at pamilya kami ng mga politiko.
Lahat ng tao, ginagamit ako bilang paninira sa kanila. Mag-eeleksyon na sa Mayo, at ngayon, ngayon pang Abril ito nangyari. Naiintindihan ko bakit galit na galit sila sa akin. Malaki ang posibilidad na matalo na sa susunod na eleksyon ang lolo ko.
Ang daddy at mommy? Si daddy ang CEO ng Hernandez Co. samantalang si mommy naman ang kinuha niyang president ng company namin.
"Family dinner? What for?!" rinig kong sigaw ng lolo ko mula sa telepono.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...