Bago pa matapos ang tugtog ay tinignan ko ulit ang mga mata niya. Tinignan niya lang ito na parang wala lang at umiwas na ulit ang tingin. Dahan-dahan naman siyang naglakad palayo sa akin kasabay ng pag-fade ng music tsaka ako iniwan sa gitna ng dance floor.
"The best that you can do
The best that you can do is fall in love"
At naiwan lang ako sa dance floor, nag-iisa. Hindi ko talaga alam kung may nagawa ba akong mali at bigla nalang siya nagkaganun. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, mixed emotions talaga.
Hindi siya nagpunta sa table namin, basta naglakad lang siya somewhere, ganun. Bumalik nalang ako sa table namin dahil mukha akong tangang nakatayo dun sa dance floor.
"Oh, honey. What happened? Where did Bongbong go?" nagtatakang tanong ni mommy at umupo na ako sa tabi niya.
"I think he went to go to the restroom po." palusot ko.
Uminom nalang ako ult ng tsaa na malamig na dahil kanina ko pa 'yun iniinom.
"You and Bongbong have such chemistry, right Mrs. Marcos?" tanong ni mommy at ngumiti kay manang Meldy.
"Well, to be frank, I... thought so too." nag-aalangang sagot nito pero sumang-ayon nalang din.
Napa-buntong hininga nalang si mommy at uminom din ng tsaa. Naisipan ko na din na mag-CR dahil parang naihi ako sa tension ng pagsayaw namin ni BBM. Ikaw ba naman ayain sumayaw na walang kaalam-alam pa'no ba 'yang by partner na sayaw.
Pagkapunta ko sa CR ay ako lang ulit ang tao sa loob. Pumasok ako sa cubicle at umihi. Habang umiihi ako ay nakarinig Ko ng tatlong babaeng nag-uusap at nagtatawanan.
"Alam mo, Gov. Bongbong is too good to like someone like Corazon. He won't like that kind of woman!" sabi ng isa at tumawa.
Lalabas na sana ako dahil sa inis pero nagsalita pa ang isa. "I know. He won't. Corazon is too materialistic and too inlove with power, just like her parents." mahinahong sagot ng isa.
Pamilyar ang boses niya, parang si-
"Mayumi, we will never know! Talo ka sa babaeng ikakasal para sa kapangyarihan dun 'no!" sabi pa ng isa sa kasamahan nito.
Si Mayumi nga. That bitch. Hindi muna ako lumabas dahil madami pa akong gustong marinig.
"Well... he's courting you already, right? Therefore, he must like you." sagot naman ng naunang babae na nagsalita kanina.
"Yes, I know he will do everything to stop the marriage. He... he promised me." simula nito at bumuntong hininga. "He loves me already. I know that. He would never like that kid!" dagdag pa nito.
Naubos na ang pasensya ko at lumabas na sa cubicle. Lahat naman sila ay napatingin sa reflection ko sa salamin. Gulat na gulat sila, lalo na si Mayumi. Naghugas lang ako ng kamay at walang-emosyong tinignan sila tsaka ako naglakad palabas ng CR. Rinig ko naman na tinawag niya pa ako sa pangalan ko. Akala ko ba tropa sila ni Corazon? Backstabber.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...