Third Person Point of View
Pagkatapos nitong pumasok sa silid ay agad niyang kinuha ang unan tsaka ito umupo. Napangiti naman agad ang manghuhula.
"Mukhang naniniwala ka na sa mga hula ko, Mrs. Aquino. Ano kayang tumulak sa'yo pabalik rito?" bati nito at sarkastikong ngumiti.
Ngumiti naman ito at tinuro ang barahang hawak-hawak ng manghuhula. "Alright, guess it." sagot nito at ngumiti rin pabalik.
"Just like what I've said to you last time you came here." panimula nito at binalasa na ang mga baraha nito. "Still the same result, a touch of a Chinese Han history." dagdag nito at pinakita ang mga baraha kay Cory.
Hindi makapaniwalang tinitigan ni Cory ang mga barahang nagpapakita ng dugo at espada. "So, that 'exact unlucky four ladies in the same boat have to die' is a premonition for someone's wish to be granted?"
Tumawa naman ang manghuhula na ikinagulat ni Cory bago ito sumagot. "The firstlady came here yesterday, asking the same question."
Alissa Hernandez / Leonora Corazon Aquino
Tumayo naman ako agad at tumalikod para hindi niya mapansin na talagang napaiyak ako ng mga sinabi ko kanina.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong pinigilan at lumapit sa likod ko. "Wait, 'wag ka malikot." utos nito sa akin.
Sumunod naman ako at tumayo lang nang diretso. Nagulat naman ako nang bigla niyang sinuklay ang buhok ko at tinalian ito.
"Done. Puwede ka na gumalaw, mahal ko." sabi nito.
Agad naman akong humarap sa kaniya at napahawak sa buhok ko. Nagulat naman ako nang mahawakan ko ang parang hair bow na nakakabit sa ulo ko.
"Omg, mahal ko! Ito ba 'yung hair bow na bigay mo sa'kin dati?" nakangiting tanong ko at tumango naman siya. "Matagal ko na 'tong hinahanap eh..." dagdag ko pa.
Ngumiti naman siya kaya napangiti rin ako lalo. Bigla niya naman hinawakan ang kaliwang kamay ko.
"Tara na. Mag-aalas-osto na mahal ko-"
Natigilan naman ako nang matigilan din siya. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya na ngayon ay nakatitig sa pearl kong bracelet.
Tinaas niya naman ang kamay kong hawak-hawak niya para tignan mabuti ang bracelet ko.
"Why? Is there something wrong?" nagtatakang tanong ko at napatingin din sa bracelet ko.
"Nasira na 'tong bracelet mo, diba? I swear I saw its beads scattered all over the room. It was the time you were at the dorm, unconscious..." nagtatakang sabi rin nito.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...