Kabanata 31

208 32 20
                                    

"Ito ba hinahanap mo, Corazon?"


Agad akong napalingon sa likod ko at bumungad sa akin si sir Bongbong na hawak-hawak ang hair bow ko.


Lumapit naman ako sa kaniya para pakalmahin siya. "Mahal ko..."


Habang papalapit naman ako, mas lumalayo siya sa akin. "Mahal ko? Did you know all this? What really is happening, Corazon?"


"Let me explain-"


Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko at galit niyang ibinagsak ang hair bow ko sa desk ni Mayumi.


"Bakit nasa bag 'to ni Mayumi? Bakit nasa kaniya ang hair bow mo?!" galit na sabi nito at napa-sapo nalang sa noo.


"How did you find this?" nagtataka at naluluhang tanong ko.


Tumingin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "Is that what is important right now?"


Napaluha na ako lalo nang mag-sink in sa utak ko na nahuli niya na rin ako. "No... it's just..."


"Stop crying and answer me, Corazon. Why is your hair bow inside Mayumi's bag?"


"I was about to tell you everything, mahal ko. It was just... I thought keeping it myself is better than telling you..." sagot ko sa kaniya at hindi na napigilan pang umiyak.


"You should've told me, then! I was so devastated when I taught I lost you!" panimula nito at patuloy lang na lumalayo sa akin. "Pero kailangan mo pa bang magsinungaling sa akin? I was in so much pain every time I see you being so clueless with everything!"


"Natakot ako, sir Bongbong... natakot ako na baka 'pag nalaman mo kung sino gumawa nito sa akin, makasira ako ng pinagsamahan niyo ng taong 'yun, lalo na ng pangalan mo." malungkot na sabi ko at sinubukan na hawakan ang kamay niya.


Kaya ayokong malaman niya ang lahat dahil sariwa sa akin ang ala-ala ni Corazon. Kitang-kita ko kung paano nabuo ang pagkakaibigan nila ni Mayumi. Nakita ko lahat ng pinagsamahan nila.


Kaya naguguilty ako. Naguguilty ako, knowing na I literally was the other woman in their story. It was supposed to be them as sir Bongbong was already trying to like Mayumi. It was supposed to be that way.


"I see. Everything is clear now." seryosong sabi nito at nagsimula nang maglakad palayo.


I tried to stop him and it did work. "Please, pag-usapan muna natin nang maayos 'to..." naluluhang sabi ko at pinigilan pa siya umalis.


Naramdaman ko naman na dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya at niyakap ako tsaka pinatahan.


"I am mad. Not in you, but in what you've done." panimula nito tsaka niya dahan-dahang hinaplos ang buhok ko sa likod. "Mayumi... I can't believe this."

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon