Kabanata 14

182 26 4
                                    

June 13, 1985

Ginang Leonida Villaruel


Sa lungkot at inis ko sa mga nasabi sa akin ni Ali kagabi, hindi ko na siya sinipot pa nang umalis siya kanina. Nagsisi naman ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi din naman niya sinasadya ang mga nasabi niya sa akin kagabi.


Habang nagtitiklop ako ng mga damit na iniwan ni Ali sa kuwarto niya ay bigla namang may kumatok sa pinto.


"Tuloy."


Pumasok naman si Kris na may dala-dalang unan. "Lola..." malambing na tawag nito at tumabi sa akin sa kama. "Sama po ako sa pagtulog niyo, hehe."


Nakakatuwang isipin na masasabing sobrang close pala ng nanay sa Aquino family noon. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. "Bakit, may problema ba?" tanong ko sa kaniya at muling ibinaling na ang tingin ko sa tinitiklop kong damit.


"Hindi po ba kayo nagtataka, lola?" panimula nito. "Si mommy po kasi..." nag-aalangan siyang tumingin sa akin at tumayo sa pagkaka-upo mula sa kama.


Agad naman akong kinabahan sa sasabihin niya. "Ano 'yun, Kris?"


"Akala ko po ba, ayaw niyang makilala si ate Cora ng mga tao dahil may hindi daw siya magandang nararamdaman sa takbo ng pag-iisip ni ate... pero ngayon..." mas lalong nag-alangan siya sa mga sinabi niya kaya hindi niya na naituloy pa.


Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong ibig sabihin niya na hindi gusto ni Cory na makilala si Corazon ng mga tao sa panahon na 'to? Hindi ba wala naman talagang Corazon sa panahon na 'to?


Magtatanong pa sana ako pero bigla siyang naglakad nang mabilis palabas. Agad naman akong tumayo at hinabol siya bago niya pa buksan ang pintuan.


"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya at lumingon naman siya agad.


"Hindi ko lang po maintindihan... 18 years na po natin siyang tinatago at 'di pinapakilala sa mga tao, pero ngayon..." panimula nito at hinarap na akong muli. "Lola, bakit parang hindi niyo po maalala lahat?" nagtatakang tanong nito.


"Tabihan mo ako sa pagtulog." maiklig sagot ko sa kaniya.


Maraming nabanggit sa akin si Kris na lalong nagpa-gulo sa isipan ko. Katabi ko naman siya ngayon sa kama sa kuwarto niya. "Kaya nga po wala lagi si ate Cora sa family picture natin, diba po?"


Nawindang ako sa mga nasabi sa akin ni Kris. Mas lalo akong naguluhan dahil sa pagkakaalam ko, walang Corazon na nabubuhay sa panahon na 'to. Pero sa mga nasabi ni Kris... nakakakilabot na nagtutugma ang mga iniisip ko.


"Oo nga po pala, lola. Nakita n'yo na po ba 'yung sinulat na letter ni ate Cora? Sa akin pa po kaya galing ang envelope na ginamit niya kasi naubusan daw siya!" bida nito.


"Letter? Wala naman akong natatanggap..."


Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon